CHAPTER 2

2K 55 2
                                    

(Sheena's POV)

Maaga akong pumunta sa school,may usapan kasi kaming mag kaibigan na maagang pumasok para makagala kami,pero ngayon ako pa ang nauna. Minsan talaga hanggang salita lang kami,hindi naman natutuloy.

I'm walking around,hindi ko pa gaanong alam ang pasikot-sikot dito kaya hindi ko alam kung saang banda na ako.

"My gosh! Saan na toh?" Mahinang sambit ko habang patuloy pa rin pa sa pag lalakad.

Hindi ko na alam kung saan ako pupunta at kung saan na ako papunta.

Huminto ko at napakamot na lamang sa ulo ko,isang malaking pagkakamali ko na hindi ko hinintay ang mga kaibigan ko.

Hindi pa naman gaanong matao ang paligid dahil maaga pa.

I look around and luckily may isang babaeng nag lalakad papunta sa kinatatayuan ko.

I stare at her while smiling, magtatanong nalang baka maligaw na talaga ako.

Tinitignan ko lang itong makalapit sakin pero huli na ng mamukhaan ko ito.

It was the girl who caught my attention inside the cafeteria.

Hindi ko alam pero tila kinakabahan yata akong mag tanong sa kanya, medyo nakakatakot kasi yung dating nya ngayon.

Isinantabi ko na muna yung mga isipin ko at nilakasan na lamang ang loob na harapin ito.

"Excuse me." Sambit ko ng nasa harapan ko na ito,buti nalang at huminto ito..

I smiled at her but she just stare at me confusedly,nonchalant nga.

"May I asked?" I speak again still smiling at her,tinaasan lang ako ng isang kilay,my gosh...kainis naman.

"Pwede bang mag tanong kung saan ang daan papunta sa engineering department?" Tanong ko pa.

Tinignan lang ako nito ng napaka seryoso,tila nag iisip pa.

"I'm sorry,mag kaiba tayo direction." Tanging sambit nito at nilagpasan ako.

I gripped my hands and teething in irritation, nakakainis!

Nilingon ko ito at hindi pa naman ito nakakalayo sakin.

"Hey!" Sambit ko para makuha ang atensyon nya.

Nag tagumpay naman ako at napahinto ito sa pag lalakad,but she didn't even bother to look at me. Nanatili lang itong nakatalikod sakin at naghihintay lang yata na magsalita ako.

Hindi ako nag salita at sa halip ay nag lakad papunta sa harapan nya.

She looked at me with her frown eyebrows...my gosh she look so cool now.

"What?" She said.

"Ituturo mo lang naman sakin yung daan eh!" Ani ko at nanghalukipkip sa harapan nya.

"Pano ko naman ituturo sayo,mag kaiba nga tayo ng daan."

I bit my lower lips because of embarrassment, ba't di ko naisip yun.

"Well,maybe you can accompany me?" Sambit ko,makapal talaga mukha ko...ako na toh eh.

"What?!" She said in disbelief.

"I don't even know you,so why would I?" She added.

Ngumiti ako rito at inilahad ang kamay ko.

"I'm Sheena Mae Catacutan,mostly known for Sheena!" Pag papakilala ko sa sarili ko.

Umandar na naman pagkabaliw ko pasensya na.

Tinitigan lamang ako nito ng hindi makapaniwala, siguro iniisip nyang nababaliw na ako.

CAN'T GET OUTWhere stories live. Discover now