CHAPTER 26

1K 43 0
                                    

(Sheena's POV)

Dumeretso na kami sa cafeteria pagsapit ng break time, this time kompleto kaming apat, Aiah, Maloi at Stacy. Kami lang din ang magkakasama, ewan ko kung nasan sila Gwen, I mean, parti na rin naman sila ng circle of friends namin dahil palagi naman na namin silang nakakasabay.

"I have an update, guys." Sambit ni Aiah nang makabalik ito galing sa counter, she volunteered to order for us.

"Spill it." Saad ni Stacy.

Isa-isa muna kaming tinignan ni Aiah habang nakangiti.

"Mikha's courting me starting today." Nagulat kaming tatlo sa sinabi nya.

"Really?!" Masayang tanong ni Maloi, masaya rin naman itong tinanguan ni Aiah.

"What?! Pinanindigan mo na talaga pagiging bading girl?" Hindi makapaniwalang saad ni Stacy.

"Don't mind her, Aiah. Basta ako I'm happy for you!" Nagagalak na sambit ni Maloi habang yakap-yakap si Aiah, nagsasaya ang dalawang bading.

"How about you, Maloi? Kamusta kayo ni Colet?" Tanong ko kay Maloi, agad naman itong napaayos ng upo sa sinabi ko.

"O ba't sakin napunta ang usapan?" Aniya, tila iniiwasan nitong sagutin ang tanong ko.

Mapang asar naman namin itong tinignan ni Aiah.

"Oo nga, ano na?" Tanong din ni Aiah, kaya ngayon wala nang kawala si Maloi samin.

Palipat-lipat naman itong tumingin samin ni Aiah.

"Ehhhhhh.....hindi nga nya alam na may gusto ako sa kanya." Para itong bata na nag sumbong sa amin, ang cute nya.

"Maybe you should take the first move, wala namang mawawala sayo kung susubukan mo." Payo ni Aiah sa kanya.

"What?! Gosh, don't take the first move, girl.....you're still the bottom!" Angal ni Stacy.

Napailing na lang kami sa sinabi nya, sya talaga palaging kontra... Pero sa huli lagi rin naman syang nakasuporta, not bad at all.

-

After our lunch we directly went here in the dance studio, at hindi na rin namin nakasabay sila Gwen dahil may ginawa daw sila.

"Hey, guys!" Salubong samin ni Jhoanna ng makapasok na kami ng studio.

Agad na hinanap ng mata ko yung isang tao pero bigo ako dahil wala ito rito.

"Sila Mikha?" Tanong agad ni Aiah sa kanya, mapang asar naman itong tinignan ni Jhoanna.

"Papunta na rin sila dito." Tugon ni Jhoanna.

"Oh ayan na pala eh!" Napalingon kami sa likuran sa sinabi ni Jhoanna, at kakarating lang din nila Mikha at Gwen.

Pero tila hindi ko nagustuhan ang nakita ko, may isa pa silang kasama at kausap yun ni Gwen. Isa sa mga kasama namin dito, si Abby. It look like they are having a nice talk, at hindi ko alam kung bakit bigla nalang kumulo ang dugo ko sa babaeng kausap ngayon ni Gwen.

Am I jealous? No, maybe naiinggit lang ako dahil hindi naman ganyan makipag usap sakin si Gwen.

"Ang unfair naman." I mumbled before turning my back para hindi sila makita.

"Shee, tara sayaw tayo!" Aya sakin ni Stacy.

Tinignan ko lang ito ng masama, nasira na yung mood ko.

"Oh anyare sayo?" Tanong nito.

"I don't want to dance, go ahead!" Sambit ko at naglakad papunta sa gilid at naupo.

Nagawi na naman ang tingin ko kay Gwen at Abby, may patawa-tawa pa silang nalalaman, kainis.

CAN'T GET OUTWhere stories live. Discover now