CHAPTER 37

1.3K 67 12
                                    

(Sheena's POV)

Friday came and today is the welcoming program for everyone, umaga pa lang ay marami ng students ang nandito sa campus para sa preparations. Kahit kami ay maaga din para iayos yung photo booth, that was what our whole class assignment.

"Guys, no need to rush, 10 am pa naman yung start ng program e." Sambit ng class pres namin, si Alicia.

"Mabuti na lang at patapos na rin toh." Saad samin ni Maloi.

"Bakit, may lakad ka?" Tanong ko sa kanya, tumango naman ito.

"I need to meet Colet mamaya, kakanta din kasi kami mamaya sa program." Paliwanag nya.

"Yeah, I need to prepare pa din for the our dance. Kailangan kong mag paganda." Singit naman ni Stacy.

"Maganda ka na naman na, beh." Saad ni Aiah, kilig-kiligan naman itong si Stacy.

"Thanks, Aiah. But I need to be more beautiful, maraming baby boys mamaya eh."

Napailing na lamang kami sa turan ni Stacy, para san pa't sya ang kikay ng grupo namin.

Napahinto ako sa ginagawa ko ng matanaw sila Gwen at Mikha kasama ng mga classmates nila, tila abala din ang mga ito. Pero nahatak na naman ni Gwen ang mga mata ko, ang pogi kasi nya masyado sa suot nya ngayon.

At pansin ko din ang pag titig ng ibang girls sa kanya, I mean, sino ba namang hindi mahahatak sa presensya nya? She's damn handsome right now...

"Baka matunaw yan, Shee!" Napalingon ako kay Maloi sa sinabi nya, actually silang dalawa ni Aiah ang nakatingin sakin ng nakakaasar ngayon.

"Pinag sasabi mo dyan." Ani'ko.

"Sa bagay, gets na gets rin naman kita, beh. Ang extra pogi ni Gwen ngayon noh?! Pati ako nahahatak din nya." Turan ni Maloi habang titig na titig din sa direksyon ni Gwen.

Bigla na lamang akong dinalaw ng inis sa sinabi nito, am I jealous? Maybe though....pero pass muna sa halata kasi wala akong karapatang mag selos ngayon.

"Nag sasalubong na yung kilay mo, beh." Napatingin naman ako kay Aiah ng mag salita ito.

Nang aasar na naman ang mga ito sakin.

"Ayy, tigilan nyo nga ako, wala naman akong magagawa kung pogi nga si Gwen eh!"

"Jealousy, jealousy!" Si Maloi.

"I smell something fishy..." Isa pa'tong si Aiah.

"Ewan ko sanyo." Saad ko at itinuon na lang ang atensyon sa ginagawa namin.

This damn eyes can't stop glancing to where Gwen is, as I said, may sariling desisyon ang mga mata ko pag dating sa kanya.

"May umaaligid kay Gwen oh." Biglang bulong ni Maloi sakin.

Napatingin naman agad ako kay Gwen at may kausap itong babae ngayon, kumulo pa lalo ang dugo ko sa nakikita ko ngayon.

Ano bang karapatan kong mag selos? Hindi dapat ako nag seselos, hindi talaga dapat.

Lumipat ako ng pwesto para maiwasan ang pag sulyap sa kinaroroonan nila, nakakasira ng araw.

-

Ilang minuto lang din ang lumipas at natapos na namin ang pag set up ng photo booth, 8 am palang ng umaga kaya may time pa kaming mag pahinga at gumala kung gugustuhin namin.

"Hey guys." Agad akong napalingon sa nag salita, and it was Mikha with Gwen.

Papalapit ang mga ito samin, and for my sake, mas lalo pa palang pogi itong si Gwen pag malapitan na, gets ko na kung bakit ganun nalang makatingin yung mga girls sa kanya sa area nila kanina.

CAN'T GET OUTWhere stories live. Discover now