CHAPTER 3

1.7K 54 5
                                    

(Sheena's POV)

"Ano ba yan,ang taas ng pila oh!"

"Makakapasok pa kayo tayo?"

"My gosh! I can't even imagine na hindi tayo makakasali sa dance club." Sunod-sunod na reklamo ni Stacy sa tabi ko.

"Pwede bang kumalma ka? Hindi lang naman tayo yung marunong sumayaw dito eh." Sambit ko.

"At na saan na ba si Aiah? Apakatagal naman." Dagdag pa nito.

Oo nga naman,saan na ba kasi yung si Aiah, kanina pa kasi sya wala.

Nakalinya kasi kami ngayon para mag enroll sa dance club, hindi naman namin inakala na marami pala ang sasali dito.

Sobrang busy talaga ng mga tao sa campus ngayon lalo na at sabay-sabay ang enrollment for every clubs.

"Naku si Aiah, baka mamaya di na yun makasali."

"Parang pagong kasi ang bagal-bagal kumilos." Saad ni Stacy.

"Tumahimik ka na nga lang." Reklamo ko. Ang ingay-ingay kasi parang parrot.

-

Pagkatapos magpa enroll ay dumeretso na agad kami cafeteria, nandun na daw si Maloi tapos na rin sa Music club tapos si Aiah naman hindi dumating,saan naman kaya nagpupunta yun.

"My gosh!" Bulalas ni Stacy ng makaupo na,tila pagod na pagod ito.

"Anyari sayo teh?" Tanong ni Maloi.

"It's so tiring there! Ang haba ng pila." Tugon ni Stacy.

"Si Aiah?"

"Ewan,di dumating eh." Sagot ko naman kay Maloi.

"Saan ba nagpunta yung babaeng yun?" Aniya.

"We don't know either." Si Stacy.

I roamed my eyes around the cafeteria, may hinahanap lang naman yung mga mata ko.

Yeah,that girl in a short hair...ewan ko parang gustong-gusto ko talaga syang asarin, panay kay pagsusungit ng mukha nya kaya mas lalo akong ginaganahan mang asar.

Kahapon nga sinungitan lang ako, ano kayang meron sa kanya at hindi madala-dala sa pa-killer smile ko. Kung sa lalaki ko pa yun ginagawa malamang ngayon may umaaligid na sakin,pero sya ni wala man lang reaksyon sa magandang ngiti ko? Gosh! Maganda naman ako, maganda rin yung ngiti ko, sabi nga nila yun ang pamatay kong ngiti pero sa kanya ba't di tumalab....

"Hi guys!" Lahat kami ay napatingin sa nag salita and it was Aiah.

"Oh ba't ngayon ka lang?"

"San ka galing?" Tanong nina Maloi at Stacy sa kanya.

"Galing ako sa dance club." Sagot ni Aiah bago naupo sa tabi ko.

"I mean kanina?" Mataray na saad ni Stacy.

"Ahh,galing ako sa library."

"Ginanahan kasi akong magbasa kaya natagalan ako,buti nalang at may tumulong sakin kaya madali lang pag enroll ko." Nakangiting sagot ni Aiah.

Nagkatinginan kaming tatlo, mukhang gets din nila Maloi at Stacy ang nasa utak ko.

"Anyare sayo? Ibang ngiti yata yan ah?" Ani ko.

"Gwapo ba?" Sabat naman ni Stacy.

"Huh? Hindi kasi tinulungan lang naman ako."

"At ano ka ba,babae yun." Tugon ni Aiah.

"Maganda ba?" Ngayon ay si Maloi naman ang nag tanong.

Lahat kaming tatlo ay nakatitig lang sa kanya at nag aabang ng sagot.

CAN'T GET OUTWhere stories live. Discover now