CHAPTER 30

1.1K 49 0
                                    

(Sheena's POV)

Inabot ako ng 3 pm sa pag stay sa bahay nila Gwen, halos apat na oras ako dun.

Nataggalan kami sa kwentuhan namin ni tita, yung mommy ni Gwen. Kung hindi pa kami inawat ni Gwen ay malamang aabutin na ako ng Gabi sa dito.

Masayang kausap ang mommy nya kaya agad ding naging malapit ang loob ko, pareho kasi kaming palatawa at maraming dalang tsismis. At mabuti na lang din magaling akong makipag usap sa mga nakakatanda sakin.

Hinahayaan lang naman kami ni Gwen habang nagku-kwentuhan kami ng mommy nya.

Her mom told me about Gwen, marami pa nga akong nalaman tungkol sa kanya.

Nalaman kong separated pala ang parents nya, at kaya ito nag sariling condo dahil ayaw nyang mamili sa mommy at daddy nya.

I just realized na baka malamig ang pakikitungo ni Gwen sa iba ay dahil na rin sa sarili nyang pamilya, medyo na konsensya pa ako dahil sa mga naiisip at pinagsasabi ko sa kanina nung una.

Naikwento ko rin ang tungkol sa buhay ko,and of course marami din akong nakuhang payo sa mommy nya.

"Natutuwa ako sayo, hija. Sana makapunta ka ulit." Saad sakin ng mommy nya ng mag paalam na ako.

Ngumiti ako ng pilit, my conscience is hitting me, thinking that this was just a show.

"Ang tagal naman ng batang yun." Aniya habang nakatingala sa taas ng bahay nila.

"Gwen, nak! Bilisan mo na riyan!" Tawag pa nito kay Gwen.

"Coming!" Rinig naming tugon ni Gwen mula sa taas, kasabay na rin nito ang pag baba nya sa hagdan.

Tinignan lang namin ito hanggang sa makalapit na ito sa amin.

"Tara." Aniya, tinanguan ko naman ito.

"Mag iingat ah!" Sambit ng mommy nya.

"Yes, ma." Turan naman ni Gwen at hinalikan sa ulo ang mommy nya, that was sweet though.

"Alis na po kami,tita." Singit ko naman at makipag beso sa kanya.

Tuluyan na kaming nag paalam sa mommy nya at pumunta na rin sa kotse nito.

"Oh my gosh! That was insane." Sambit ko ng makapasok na ako sa kotse nito.

I took a deep breath, parang ngayon lang din ako nakahinga ng tama.

"Buti naraos mo." Aniya at nagsimula na ng mag drive.

"Ano bang pinag usapan nyo kanina?" Tanong nya.

Tinignan ko naman ito.

"Oops, sorry! Samin lang yun ni tita." Ani ko.

"OA." Mahinang saad nya pero rinig ko naman.

"Don't bring me home." Napasulyap ito sakin sa sinabi ko.

"What?" She said while furrowing her brows.

"A thread, dahil sinamahan kita sa bahay nyo ngayon ikaw naman sumama sakin." Ani ko, kuryos naman itong napasulyap sakin.

"Lagi ka nalang may baong thread! Saan ba punta mo?" Pag mamaktol nito.

"Di ba ngayon yung birthday ng kuya ni Dustin? So samahan mo ko dun."

I remember nandun sya nung sabihin ni Dustin sakin yun.

"No way! Ba't naman ako pupunta dun." Angal nito.

"Pupunta ka dun kasi sabi ko."

"Ayok-----"

"At wag ka nang umangal, nakakasira kaya ng utak yung ginawa ko sa inyo kanina." Pqg putol ko sa sasabihin nya.

CAN'T GET OUTWhere stories live. Discover now