CHAPTER 28

1K 44 2
                                    

(Sheena's POV)

"Guys!" Tawag samin ni Maloi.

Nakasalubong namin ito ni Aiah sa tapat ng cafeteria, tamang-tama lang din.

"Akala ko ba sa music room ka pununta?" Takang tanong ni Aiah sa kanya.

"Hala sya, may daan din kaya sa kabila." Turan ni Maloi, lutang na naman kasi si Aiah.

"Hayst, tara na nga, gutom na ako." Ani ko.

Pumasok na rin kami sa cafeteria, pero imbes na gutom ang maramdaman ko ay bigla na lang itong napalitan ng kaba. Agad kasi nahagip ng mata ko si Gwen, kasama nito ang mga kaibigan nya.

"Shee, tara na." Napatingin ako kay Maloi ng hawakan nya ako sa braso ko, parang hindi ako makagalaw sa sobrang kaba.

"It's okay, beh! Nasa likod mo lang kami." Sambit naman ni Aiah pero halatang nag aasar ito.

"Anong drama yan?" Tanong ni Maloi sa kanya, tinawanan na naman ito ni Aiah.

"Hayst, di bale na nga." Sambit ng utak ko at sumunod na sa dalawa.

I'm nervous but I can still manage, ngumiti ako upang hindi mahalata ang kaba ko.

Agad na nag tama ang mga mata namin ni Gwen the moment we reached them, pero agad ko din itong iniwasan.

"Ohh! Ms. Apuli's girlfriend is here!" Jhoanna said na ikinatawa nila, maliban sakin, kay Gwen at kay Maloi na walang ideya sa nangyayari.

"Girlfriend? Sino?" Kuryos na tanong ni Maloi bago naupo sa tabi ni Colet.

"Her." Tugon ni Colet and gestured her mouth towards me, gulat namang napatingin sakin si Maloi.

Mauupo na sana ako sa tabi ni Mikha ng unahan ako ni Aiah.

"Oops! Nauna ako." Aniya at tumawa.

Mapang asar na ding nakatingin ang mga kaibigan namin, I know they intently did it dahil sa tabi nalang ni Gwen ang bakanteng upuan.

I have no choice but to sit down to her side..

"Ayun oh! Perfect!" Sambit ni Jhoanna.

Pareho lang kaming tahimik ni Gwen habang napapaligiran ng mga mapang asar naming kaibigan, hindi ko rin alam kung anong gagawin, and I think she is too, para itong nahihiya sa nangyayari.

"Wait lang ,guys. Pano naging girlfriend ni Gwen si Sheena?" Maloi bring the topic again, paligaw-ligaw naman ako ng tingin sa ibang banda.

"Ganito kasi yan, binibiro ko lang naman yung mommy ni Gwen e. Sinabi kong girlfriend ni Gwen si Sheena, nagtanong kasi sya kaya yun ang pumasok sa isip ko. Di ko naman alam na seseryosuhin ni Tita yun." Paliwanag ni Mikha, nakangiti pa itong si Maloi habang nakikinig sa kanya.

"Oh my gosh! Nice move, Miks..." Ani ni Maloi at nakipag apir pa kay Mikha, mga gagong toh.

"So what's your plan now, Gwenny? Are you willing to introduce Sheena to your Mom?" Natatawang tanong ni Aiah.

Tinignan ko itong katabi ko at nakatingin din ito sakin.

"Why would I? She's not my girlfriend at all." Tugon nito kay Aiah.

"Hala ka, baka mamaya magtampo na talaga si Tita sayo." Saad ni Jhoanna na para bang pinag babantaan pa si Gwen.

"Tigilan mo nga ako, e ikaw kayang mag dala ng babae mo sa bahay. Pakilala mo si Stacy kay mommy." Masungit na turan ni Gwen.

"Eto naman joke lang e."

"Di nakakatawa. Binigyan nyo pa KO ng problema." Sambit ni Gwen at sumandal sa upuan nya, parang stress na stress talaga ito sa pinang-gagawa ng mga kaibigan nya.

CAN'T GET OUTWhere stories live. Discover now