CHAPTER 16

1.1K 42 1
                                    

(Gwen's POV)

"Anyare sa mata mo?" Tanong ni Jhoanna sakin habang nag lalakad kaming apat sa hallway.

"Kulang lang sa tulog." Tugon ko sa kanya.

"Talaga? Eh ano ba kasing ginawa nyo ni Sheena kahapon at kinulang ka sa tulog?" Isang mapang asar na tingin ang binato ng mga kaibigan ko dahil sa sinabi ni Mikha.

"Ang delulu mo! Tigilan mo nga ako." Saad ko rito.

"Punta na muna tayo ng cafeteria." Pang iiba ng topic ni Colet.

"Tara."

"Pwede bang mauna na ako sa classroom? Gusto ko munang umiglip." Saad ko sa tatlo.

"O sya, mukhang kailangan mo talaga ng tulog eh." Si Colet.

"Oh nga! Ang tamlay mo tignan." Saad naman ni Jhoanna.

"Sunod nalang ako mamaya, pupuntahan ko muna baby ko."

"Baby ka dyan! Woyy walang kayo ni Aiah!" Asar ni Jhoanna kaya nakatanggap ito ng batok mula kay Mikha.

"Sige na, una nako." Saad ko at humiwalay na ng daan sa tatlo.

Wala talaga akong gana maglakad-lakad dahil masama ang pakiramdam ko ngayon, hindi ko lang pinapahalata sa mga kaibigan ko dahil baka mag over react na naman sila. Tumalab kasi sakin yung ulan kahapon kaya ngayon ang init-init ng nararamdaman ko, kaya ko pa namang mag lakad at isa pa kailangan ko ding pumasok dahil sa sayaw namin mamaya. Ayoko namang iwan sa eri yung si Sheena kahit na kinaiinisan ko pa sya.

Pagdating ko ng classroom ay agad na din akong naupo, mabibilang lang din ang nandito kaya tahimik pa ang buong silid.

Pinag pahinga ko na muna ang ulo ko sa arm chair at umiglip na nga, ang init pa ng pakiramdam ko hindi dahil sa jacket na sout ko kundi dahil sa nilalagnat ako.
Sana naman ay kayanin ko pang mag sayaw mamaya.

"Gwen!"

I felt someone is shaking my arms, I'm also hearing my name. Dinilat ko na ang mga mata ko at nakita sa tabi si Mikha, napansin ko din ang professor naming nasa harapan at nag sasalita.

"Kanina pa si prof.?" Mahinang tanong ko sa kanya.

"Nope, kakarating lang din nya gaya ko." Tugon nito.

Umayos na ako sa pag kakaupo at tinuon ang atensyon sa nag sasalita sa harapan, sinulyapan ko pa ang wristwatch ko at 9am na ng umaga. Kasunod naman ng subject na toh ay deretso na kami sa dance studio para sa sayaw namin, 10am daw kasi yung sinabi ni Coach.

Pinilit kong makinig sa diskusyon ng professor namin pero dinadalaw talaga ako ng pagka bored,lalo na at masama ang pakiramdam ko.

-

"Excited na talaga akong sumayaw!" Nagagalak na saad ni Mikha habang papasok kami sa dance studio.

Some pairs of eyes are looking to our direction when we entered the studio, agad namang nahagip ng mata ko si Sheena na ngayo'y nakangiti sakin. Naiinis na naman ako sa kakangiti nito, pero hindi ko na yun pinahalata.

I just maintain myself to be serious para hindi nila mapansin na may sakit ako, lalo na sa harapan ni Sheena. I don't want to disappoint her, sayang naman kasi yung pagpapaulan ko kung hindi kami makasayaw.

"Are you ready?" Salubong na tanong nito sakin ng makalapit na kami.

"I have no choice."

"By the way, sa lunes ko na ibabalik yung hoodie mo. Basa pa kasi." I said.

"It's okay, gusto mo sayo na yun."

"Ibabalik ko nalang." Tugon ko at ibinaling na sa iba ang tingin.

CAN'T GET OUTWhere stories live. Discover now