CHAPTER 40

1.2K 51 5
                                    

(Sheena's POV)

Kasalukuyang nagdi- discuss ang professor namin sa harapan habang lumulutang naman ang isipan ko.

Iniisip ko yung nangyari kanina, muntikan na talaga akong mabuko, yun ay kung napansin nga nya yun.

Hindi ko naman kasi alam kung bakit nakagawa ako ng dump account para lang ma-follow si Gwen sa twitter. This is so embarrassing, kahit ako nahihiya sa sarili ko.

She just posted something earlier, at tyempong tumunog pa talaga ang phone ko ng mag post na ito. I panicked, hindi ko na nakontrol kung pano umakto, kaya kung anong naging ekspresyon ko ay yun nasa yun.

But about that post...ba't nang hihingi sya ng sign?

She posted this....

[Need a sign]

Para san kayang post na yun?

Kainis....bakit ba pino-problema ko pa yun, sya nga hindi ako pino-problema.

-

After our morning classes ay pumunta naman kami ng gym, ito kasing si Aiah nag pasama pa para lang manood ng training nila Mikha, ginagawa nya akong third wheel, okay sana kung kasama si Gwen este kung may kasama pang iba para hindi naman ako magmukhang kawawa.

Kaming dalawa lang ang mag kasama ngayon dahil si Maloi pumunta ng music room si Stacy naman may new friend na naman daw.

"Ano na ba kasing meron sa inyo ni Mikha, kayo na ba?" Tanong ko kay Aiah, nakaupo lang kami sa bleachers habang pinapanood sila Mikha.

Tinignan ko si Aiah at nakangiti lang itong nakatingin sa direksyon ni Mikha.

"Actually......" She paused and smiled at me.

"Hindi pa." Pinarolyo ko ang mga mata ko sa naging turan nya, umasa akong sila na.

"Sagutin mo na lang kaya, tutal parang hindi na rin naman kayo mapag hiwalay." Saad ko.

"Ang aga naman nyan oy, pahirapan ko muna." Aniya.

I glared at her.

"Nag-iinarte ka pa! Hindi ka ba natatakot? Baka mamaya magka interest pa sa iba yan, just look at her team mates, ang gaganda kaya." Sambit ko, tinatakot ko lang.

Napatingin din ito sa mga kasama ni Mikha at napasimangot na.

"Okay, one of this days sasagutin ko na sya." Aniya.

Napailing na lang ako, andaming arte naman e sasagutin lang din naman.

"Eh ikaw ba, kailan ka aamin kay Gwen?" Kuryos akong napatingin sa kanya ng tanungin nya ako, she's look serious, wala akong makitang kahit anong pang aasar sa mukha nya.

"What do you mean?" I said while furrowing my eyebrows.

"Wag ka nang mag kaila, sinabi na ni Maloi sakin." Aniya.

Napatiim labi ako sinabi nya, hindi talaga napag tataguan ng sekreto yung babaeng yun.

"Sabi ko naman nade-develop rin yung feelings eh!" Saad nya at ningitian ako.

"I'm still confused, hindi pa naman talaga ako sigurado."

"Ganyan din ako nung una, pero pag sinimulan mo nang tanggapin malalaman mong may gusto ka pala talaga sa taong iniisip mo." Aniya.

Natahimik lang ako, I'm still processing the words she just said. Pareho din sila ng pinupunto ni Maloi.

Dapat ko na bang tanggapin na may gusto nga ako kay Gwen? Kasi yun naman talaga ang nasa isip ko.

CAN'T GET OUTWhere stories live. Discover now