CHAPTER 42

1.5K 67 22
                                    

(Gwen's POV)

Maaga na naman akong pumunta ng school, wala akong kasama ngayon kaya dumeretso ako sa rooftop na lagi kong pinupuntahan.

May bumagabag na naman sa isip ko, at alam nyo na kung sino yun.

I was not expecting na makikipag agawan pa pala ako para lang makuha ang isang tao na hindi naman ako sigurado na makukuha ko.

"I know she's straight, Gwen. Kaya malabong magustuhan ka nya pabalik."

That words kept on popping in my ears, it's from Dustin. Kahapon ng pag agawan namin si Sheena sa pag hatid ay nagkaroon kami ng alitan ng salita pag alis ni Sheena.

Kumpirmado ko nang may gusto nga sya kay Sheena.

(FLASHBACK)

After na umalis ng sasakyan nila Sheena ay binalak ko na ring umalis, pero hindi pa man ako nakaka-hakbang ay may pumigil na sakin.

"Can I have a word?"

Napatingin ako kay Dustin ng mag salita ito, masama ko itong tinitignan at ganun din ang tingin nito sakin.

"Quick." I briefly replied.

He change his gaze and scratch his nape before looking bad at me again.

"Ano ba talagang intensyon mo kay Sheena?"

I let out a sarcastic laugh for what he just said.

"Ba't mo natanong?"

"Gusto ko lang malaman, bakit nakipag agawan ka pa sakin kanina sa pag hatid sa kanya?" Turan pa nya.

Ang feeling naman pala nya.

"Bakit bawal ba? We are also friends."

"May gusto ka ba kay Sheena?"

Inirapan ko ito sa naging tanong nya, pati ba naman yun.

"Pano kung sabihin kong, Oo?" Tugon ko.

"Sinasabi ko na nga ba." Aniya.

"Payong kaibigan lang, Gwen. Mabuti pa't habang maaga ay layuan mo na si Sheena, masasaktan ka lang."

Tinitigan ko ito ng matalim sa sinabi nya, ano bang karapatan nyang sabihin sakin yun?

CAN'T GET OUTWhere stories live. Discover now