CHAPTER 45

1.5K 60 15
                                    

(Sheena's POV)

'SATURDAY'

Magandang umaga ang sumalubong sa pag gising ko, ewan ko, parang masaya ako ngayon. Naiisip ko kasi kung paano ang magiging takbo ng date namin ngayon ni Gwen, yes, si Gwen na naman ang nasa isipan ko. She never leave my mind these past few days.

4 pm pa naman daw ako susunduin ni Gwen kaya may time pa para mag stay ako dito sa bahay.

"Lola!" Tawag ko habang pababa ako ng hagdan.

"La?!" Tawag ko pa.

Dumeretso ako ng kusina ng may narinig akong nag tatawanan.

But it surprised me when I saw my grandma with Dustin, nawala agad ang ngiti sa labi at napalitan ito ng kurosidad. Nagtataka ako kung bakit nandito sya ngayon, I mean, wala naman kasi syang nasabi na pupunta sya dito.

"Shee!" Nakangiting tawag nito sakin..

Lumapit ako sa kanila habang pilit na ngumingiti.

"Ginagawa mo dito, Dust?" Tanong ko sa kanya.

"Just wanna invite you to go outside, free ka ba ngayon?"

Napaiwas ako ng tingin sa kanya, palagi talaga syang wrong timing pag nag aaya sakin.

"Ahh......kasi, Dust." Napatiim labi ako.

Napatingin ako kay Lola, asking for help to refuse him...again.

"Ahh.....kasi." Hindi talaga ako makasagot, hindi ako magaling tumanggi dahil hindi naman ako ganito noon sa kanya.

I look at my grandma again gestured my head to let her do it.

"La, d-di ba sinabi ko na sayo kahapon? Na....." I said trying to convinced her to speak for me.

Ngumisi si Lola sakin at kay Dustin...

"Nga pala, hijo. Nakalimutan ko, may lakad pala mamaya si Sheena." Nakangiting sambit ni Lola.

Buti na lang din at hindi nya binanggit ang pangalan ni Gwen.

"G-ganun ba?" Tila dismayadong sambit ni Dustin.

Tumingin ito sakin, at parang binabagabag ako ng konsensya dahil sa lungkot ng mata nyang nakatitig sakin.

"Inaya kasi ni Gwen yan e!" Nagulat ako ng biglang nagsalita si Lola.

Napakagat labi ako dahil dito, nagagalak pa ito ng sabihin nya iyon.

Napatingin ulit ako kay Dustin at hindi ko na alam kung anong nararamdaman nya ngayon, hindi ako nag a assume pero iba kasi ang nakikita ko sa mga mata nya ngayon.

Nag seselos ba sya? Galit ba sya? Nasasaktan ba sya? Nalulungkot ba sya? Ewan, basta ang alam ko hindi ito masaya sa narinig nya.

Lumapit ako kay Lola, nakangiti pa rin kasi Ito hanggang ngayon.

"Ba't mo naman binanggit yun?" Mahinang sambit ko sa kanya.

"Bawal ba,apo?" Kuryos nitong sambit, inilingin ko naman ito.

Napangisi si Lola bago tinapik ang bibig nya, ang cute ng Lola ko.

Naikwento ko na kasi lahat kay Lola yung tungkol kay Gwen, akala ko nga papagalitan nya ako pero natuwa pa ito sa nalaman nya.

"Ay iwan nyo na muna ako rito mga apo, mag luluto na ako. Hijo, dito ka na kumain ng agahan ah?" Saad ni Lola na tinanguan naman ni Dustin.

Tinungo namin ang sala, tila wala pang imiimik samin. Hindi ko alam kung pano sisimulan ang usapan.

CAN'T GET OUTWhere stories live. Discover now