CHAPTER 48

1K 46 0
                                    

(Sheena's POV)

Pumasok ako sa school ng may lungkot pa ring dinadala, hindi pa rin ako maka get over sa nangyari samin ni Dustin. I mean, I don't wanna hurt him pero ano namang magagawa ko kung wala nga akong nararamdaman para sa kanya.

Was it really my fault? Kasalanan ko bang nahulog sya sakin? Kasalanan ko bang nasaktan sya?

Wala naman akong ginawa, sinabi ko lang naman yung totoo. Gaya nya ay ayaw ko rin namang maging madaya sa sarili ko, ang pangit naman kasi kung ipipilit ko kung wala naman talaga akong feelings para sa kanya.

And right now, napahinto ako sa pag lalakad ng makita si Dustin sa bandang unahan, makakasalubong ko ito. But as I expected, he went to the other way to avoid me. And that thing hurt me a little bit, hindi ako sanay na iniiwasan nya ako.

-

"Beh, okay ka lang ba?"

Nakawala ako sa kalutangan ng marinig ko ang pag bulong sakin ni Aiah.

Nasa kalagitnaan kami ng class ngayon at sobrang lutang ko pa din.

"Yeah, I'm okay." I mouthed to her.

She nod her head pero alam kong bakas pa rin sa mukha nya ang pag aalala, my friends knew me well, kahit sabihin kong okay ako alam kong hindi pa rin nila ako paniniwalaan.

-

Cafeteria

"Okay ka lang ba, Shee?" Napatingin ako kay Maloi ng mag tanong ito.

Kakatapos lang namin kumuha ng makakain namin at may pwesto na rin kami.

I nod my head in response.

"Spill it, Shee. We know you're not okay." Sabat ni Stacy.

Napabuntong hininga ako, sinasabi ko na nga ba't mangungulit din sila sakin.

"Naguguluhan kasi ako, guys." Panimula ko.

"Naguguluhan saan?" Takang tanong sakin ni Aiah.

Isa-isa kong tinignan ang mga ito, nag aantay lang din sila sa isasagot ko.

"I hurt my friend, I hurt Dustin."

Nagkatinginan naman silang tatlo dahil sa sinabi ko.

"Okay, story time. What's the context? Alam naman namin na may gusto sayo si Dustin pero sa panong paraan mo ba sya nasaktan?" Saad ni Maloi sakin.

"Nung Saturday kasi..." I paused, I'm still hesitating to tell them about sa naging date namin ni Gwen.

"May date kasi kami ni Gwen."

Napa iwas ako ng tingin kila Aiah at Maloi dahil sa mapang asar nilang tingin sakin.

"Ah, kaya pala hindi kayo sumama sa bar kasi nag date kayo! Ang secret nyo naman." Asar pa sakin ni Maloi.

Tinignan ko lang ito ng seryoso, I think it's not the right time for that thing.

"Okay, back to your problem, set aside muna nation yang date nyo. May utang ka pa saming kwento mamaya." Pagbawi nito sa asar nya. I think she just realized that we are fixing my problem here.

"Ganito kasi yun, nung paghatid kasi sakin ni Gwen nagka initan pa sila ni Dustin, I didn't know na hindi pa pala umuwi si Dustin at andun lang sa bahay namin. As in his really rude that night, nagulat pa ako sa inakto nya."

Patuloy lang ako sa pag sasalita habang nakikinig lang ang mga kaibigan ko.

"And also that night Dustin confessed to me, he said he loved me. But the problem is......" I paused again and look to their reactions, pero nag hihintay lang din ang mga ito na mag patuloy ako.

CAN'T GET OUTWhere stories live. Discover now