CHAPTER 25

1K 45 2
                                    

(Gwen's POV)

Dumeretso na ako dito sa rooftop ng building kung saan ang classroom nila Sheena, I intently asked her to meet me here, di ko lang alam kung pupunta ito.

Nakatanaw lang ako sa tanawin dito, minsan talaga nag pupunta din ako dito kung kailangan ko ng tahimik na lugar, and this is the perfect place for me to standby.

"Gwen."

Isang pamilyar na boses ang narinig ko mula sa likuran ko, dahan-dahan ko naman itong nilingon at bumungad sakin ang kuryos na mukha ni Sheena.

"Glad you came." Sambit ko kahit hindi naman ako nakangiti.

"Di halata." Aniya, inirapan ko lang ito.

"Ba't ba dito mo pa gustong makipag kita? Pwede namang sa baba ah." Dagdag pa nito.

"Eh gusto ko dito, bakit ba."

"Papupuntahin mo'ko dito tapos susungitan mo pa ako." Saad nito at nanghalukipkip.

Napabuntong hininga ako dahil sa sinabi nya, dapat kalma lang ako.

"Ano ba kasing kailangan mo?" Tanong pa nito.

Pinarolyo ko lamang ang aking mata bago kinuha ang isang bracelet sa bulsa ko.

"I think this one belongs to you." Saad ko at iniabot ang bracelet sa kanya.

Agad naman nya itong kinuha, at hinawakan na parang ito na yung pinaka importanteng bagay sa buhay nya.

"Saan mo'to nakuha?" Tanong nito.

"Sa kotse ko, nahulog mo yata."

(Flashback)

Pagkatapos ng practice namin ay nagsiuwian na rin kami, wala akong kasabay ngayon dahil may pupuntahan pa ako, I will visit my Mom kasi.

Inilagay ko muna ang gamit ko sa may passenger seat ng may napansin akong isang makinang na bagay, inabot ko ito at nakuha ang isang bracelet.

Sheena was the first one who came in my mind, sya lang naman kasi yung nakasakay dito sa kotse ko.

Isinara ko na ang pinto ng passenger seat at hinanap ulit si Sheena, pero huli na ako dahil nakaalis na ito sakay sa kotse ni Stacy.

Tinignan ko lang ang bracelet bago inilagay sa bulsa ko.

Ang likot din kasi nya kanina habang nakasakay sa kotse ko kaya siguro hindi na nya napansing natanggal na ito.

Masyado kasing pasaway.

(Flashback end)

"Thanks." Saad nito, tinanguan ko naman ito.

CAN'T GET OUTWhere stories live. Discover now