CHAPTER 22

1.2K 54 1
                                    

(Sheena's POV)

It's Saturday, and our group had an agreement that we will spent our day to practice our dance for the up coming event.

Sa susunod na biyernes na yun at hindi pa namin gaanong kabisado ang mga mga steps lalo na ang choreography na nagawa namin masyado pa ding magulo.

Alas syete pa lang ay handa na akong umalis, hinihintay ko na lang si Aiah na sunduin ako. Wala kasi yung kotse ko ngayon dahil yun ang ginamit ng Lolo ko, may lakad sila ni Lola.

Nakaupo lang ako sa sofa namin dito sa sala, tamang scroll lang sa Twitter ko.

(Car beeping)

Agad akong napalingon sa may pinto ng may marinig akong bumusena, I waited for it to beep again for confirmation na ako ang pakay.

It beep again, I smiled before standing up and walked towards the door.

Sa wakas ay dumating na rin yung sundo ko,I mean si Aiah.

I rush to our small gate and opened it.

"Ang tagal mo!" Sambit ko agad habang binubuksan ang gate.

I smiley went out and look at Aiah who's standing in front of her car, but its Aiah.

Nagulat ako sa nakita ako at the same time curious din.

"G-gwen?" Sambit ko sa pangalan nya.

Yes, si Gwen ang nandito ngayon imbes na si Aiah.

Tumingin naman ito sakin, and as expected hindi na naman maipinta ang pag mumukha nya.

"Why are you here? Nasan si Aiah?" Sunod-sunod kong tanong sa kanya.

She crossed her arms and lean her back to the car.

"Mikha fetch her earlier, and Aiah begged me to fetch you." Aniya.

"Why don't you use your car? May kotse ka naman." Nagsusungit na naman ito.

"Wala yung kotse ko ginamit ni Lolo dahil pina-check pa nila yung sa kanila, at kaya nga magpapasundo sana
ako kay Aiah." Paliwanag ko sa kanya.

Tumango-tango naman ito.

"Baka naman ayaw mo'kong sumakay sa kotse mo, I will take a cab just let me know." Saad ko pa.

"Do you think I would do that? Sayang yung gasolina ko kung hindi kita maisakay ngayon. At isa pa, ang layo kaya ng binyahe ko para lang masundo ka." Masungit pa din nitong turan pero ba't ang cute nang dating nya sakin.

"Yun naman pala, tara." Sambit ko at ningitian ito, pinarolyo lang nya yung mata nya sakin.

I shake my head before walk my way to the passenger seat.

Dun kami pupunta sa bahay nila Mikha, she suggested na dun lang kami mag practice dahil meron naman daw syang space dun para pagsayawan.

Tahimik lang kami habang nag babyahe, nagdadalawang isip akong mag salita at baka pababain pa nya ako. Pero ayaw talaga paawat ng bibig ko parang may sariling desisyon.

"Ang tahimik, magpa tugtog naman tayo." Panimula ko.

"Mag iingay ka na naman pwes wag dito."

Tinignan ko ito at nanghalukipkip.

"Ano ba yan, nasobrahan naman yata pagka nonchalant mo! Boring kaya pag tahimik ang paligid." Ani ko.

Sumulyap ito sakin pero agad ding binalik ang tingin sa daan.

"This is my car.....so my car, my rule, okay?"

"My car, my rule! Ang OA." Saad ko.

"Bahala ka dyan!" Dagdag ko pa.

CAN'T GET OUTWhere stories live. Discover now