Chapter 27.1: E-Night: Everything Has Changed

1K 19 6
                                    

Chapter 27.1: 
*E-Night: Everything Has Changed*

 

 

 

<Amy's POV>

 

Fast forward to a couple of days and its Saturday evening, folks! Excited na excited talaga ako sa E-Night mamaya! Maganda naman suot ko eh kaya sulit na sulit ang gabing ito!

Ang theme kasi ng Entertainment Night namin ay Fairytale... So kumbaga parang yung nasa Cinderella at Sleeping Beauty ang peg... Pinaghandaan ko tong araw na ito, eh. Hahaha!

Ang suot ko ay isang blue and white short dress... Kayo na mag-imagine niyan... Syempre naman favorite color ko yung blue eh. May matching blue sandals at mga blue accessories din... Di ako magpapatalo basta blue at white! ;)))

Tapos na kaming magdinner atsaka humanda na kami sa mga dresses namin... Maganda talaga yung sa iba. May violet, pink, atsaka may isa na rainbow colored pa. Mukhang may magfairy costume din... Taray... XD

Pumasok ako sa bathroom pagkatapos ng pagbihis nilang lahat. Syempre naghilamos ako at nagtoothbrush para fresh na fresh ang breath. Di ako marunong mag-make up so magpapatulong ako sa mga kaklase ko.

Lumabas ako sa bathroom na suot na suot ang dress at nagsalita, "Uy Gabriella! Pwedeng ikaw magmemake up sa akin?"

 

 

"Sure A---" napanga nga si Gabriella nang makita nya ako. Yun din reaksyon sa iba kong mga roommates.

Anong meron?

"A-Amy," nagsalita si Rhythm. "Ang ganda-ganda mo!"

 

 

"Laglag panty, twey!" -Gabriella

"Blooming na blooming si Ate!" -Charisse

"Tuluyang mahulog din si Jasper nito, ba," -Saddie

"Yeeeeeee!" sigaw nilang lahat.

"Che," sabi ko sa kanila.

"Sige na, Amy," tinuro ni Gabriella ang upuan sa harapan ng dresser. "Upo ka na and I will make sure you will look like a princess!"

In Love With A Freshman (Slowly Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon