Chapter 58:
*The Shot*
<Amy’s POV>
Takot kong tiningnan ang hawak na baril ni Joanne. Paano siya nakakuha nito?! Saan niya kinuha?! Ganito ba talaga sya kadesperada na kunin si Jasper na pati ang buhay ko eh nadamay?!
Juskopo.. Bakit po ganito ang pinakaunang pagkakataon kong magkalovelife? Bakit umabot agad sa barilan at karahasan?
At anong pinakain sa babaeng ito na sa ganitong edad eh marunong nang puputok ng baril?!
“Joanne! Ano ba?!” sigaw ko sa kanya. “Bakit may baril ka? Bakit mo ako kailangang patayin?! Maaayos lang din yang buhay mo! ‘Wag kang pumatay ng tao!”
“Shut up! SHUT UP!” sigaw niya balik sa akin na mas nilapitan ang baril sa dibdib ko. “Wala kang alam at lalong-lalo nang wala kang pakialam! Hindi mo alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon! Hindi mo alam kung ano ang pinagdaanan ko!”
“Oo! Hindi ko alam, Joanne!” sigaw ko. “Pero ang alam ko lang, hinding-hinding magiging solusyon at kailanman hindi ang pagpapatay ng tao! Walang mabuting maidulot ito sa’yo kundi mas marami pang problema! Gaano ba kalaki ang kasalanan ko para umabot sa ganito?!”
Kitang-kita ko ang panginginig ng kamay niya habang nakahawak ito sa baril. Pumatak rin ang pawis sa mukha nya at lumaki ang mga mata niya. Hindi na siya ang malainosenteng babae. Hindi na siya ang kambal ni Pamela. Hindi na siya tao.
Ang kaharap ko ay mukha nang demonyo. Demonyong nakain na ng kanyang sariling galit. Hindi na siya makapag-isip nang maayos, hindi na siya makagawa ng tama, at lalong hindi na niya inintindihan ang mga taong nakapaligid sa kanya. Her obsession made her into a monster.
Kung ako pa ang tatanungin ninyo, hindi na ‘to magagamot.
“Oo! Ganito!” sagot niya. “At wala ka nang pakialam kung anumang rason iyon basta ikaw ang kapakanan nitong lahat! Kung hindi ka pa lang nakilala ni Jasper, baka babalikan niya ako! Kung hindi pa kayo nag-uusap, hindi sana ako mawala sa isipan niya. At kung hindi ka ganun kabait o ganun ka ‘malaanghel’ kuno, hindi sana siya mahulog sa’yo!”
“Ibaba mo ‘yan, Joanne!” sigaw ni Pamela at pilit siyang tumakas sa pagkatali niya. “’Wag mo siyang patayin! Tama si Amy... wala kang makuha sa pagpapatay sa kanya kundi mas maraming problema! Paano na sina Mommy at Daddy? Paano kung malaman nila ang ginagawa mo? Diba tatalikuran ka lang din pala nila?!”
BINABASA MO ANG
In Love With A Freshman (Slowly Revising)
Teen Fiction-- Status: Completed, Slowly Revising -- One typical day in Evergreen State University, in a high school student population of 1,000, Amy Montefalcon, a sophomore, gets her heart and hopes crushed by one guy in the name of Daniel Hernandez under one...