Chapter 54.2: Geyrozaga's Ways To Win A Girl Back - Part Two

571 20 7
                                    

Chapter 54.2:
*Geyrozaga's Ways To Win A Girl Back - Part Two*

<Amy's POV>

[ THE NEXT DAY IN THE ESU AUDITORIUM ]

"Arghhh! PeeJaaaaaaayyyy!"

"Ano na naman ba, Pink?!?!"

Hahayy... Andyan na naman ang dalawa o. :3

"Ano ba 'to, ha?! Diba sabi ko Elmer's Glue?! Sa tingin mo ba ELMER'S GLUE 'to?!"

"Eh may topak ka pala, no?! Hello?! 'Elmer's Glue' ang nakalagay dyan! Ang shunga shunga mo din, no?!"

"Mas bulag ka pala, eh! 'Di 'to 'Elmer's'... 'El Mara's' 'to! Dyusmiyo... Parang Mighty Bond lang 'to! Basa-basa din 'pag may time! Tingnan mo anong nangyari sa kamay ko!"

"Sorry na, teh. Sorry na! Aish. Eh tanga ka rin kasi basta-basta ka lang lalagay ng glue. Basa-basa din po 'pag may time!"

"ERRRGH!"

Napabuntong-hininga lamang ako. Kahapon pa 'tong dalawang sabat nang sabat eh. Kelan kaya matapos mag-away ang dalawang 'to? Lol. :3

"Makisali nga ako."

Nakita kong umupo si Jessa sa tabi ko. Kasama ko si Charisse nagguhit tapos sina Thiara at Maverick nag-cut.

"Pagod ka na, Jes?"

"Dyusko po, Amy!" napahiga sya sa sahig sa tabi ko. "Para nga akong nag-aalaga ng dalawang bata eh! Whoo! Simpleng bagay, inaawayan na!"

Tumawa ako, "At least naman may training ka na para mag-alaga ng bata sa future. XD"

"Che!" sabi nya at pumikit.

"O sige na nga," sabi ko at pinagpatuloy ang pagguhit. "Uy. Balik ka na dun."

In Love With A Freshman (Slowly Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon