Chapter 59: The Sacrifice

371 16 0
                                    

Chapter 59:
*The Sacrifice*

 

 

<Amy’s POV>

 

 

Habang nagulat at nalito si Joanne sa mabilis na nangyari, agad kong kinuha ang pagkakataon para madistract siya. Tumakbo ako patungo sa kanya at binigyan siya ng pinakamalakas kong suntok sa mukha. Napatumba siya at sinipa ko palayo sa kanya ang baril. Sinipa ko siya sa tiyan at agad tumakbo palabas.

Hindi ‘to pwede. Hindi ‘to totoo. Hindi pwedeng mamatay si Pamela.

Buhay pa siya! Buhay!

Pagkalabas ko ng silid ay nakasalubong sa aking ang isang malaking hallway. ‘Kala ko isang ordinaryong warehouse lang ‘to pero ang laki rin naman pala nito.

Hindi na ako huminto para mag-isip at agad tumakbo sa kaliwa. Hawak ko sa aking kamay ang nahulog na Swiss knife ni Pamela patungong kung saan man ako tatakbo ngayon. I didn’t dare look back, knowing that she’ll be following me any second now.

Kanina ko pa hindi nakita yung bodyguard niya. Sino kaya ‘yun? Saan siya gumuwardiya?

Psh. Bakit ko kailangang alamin na huhulihin lang din naman ako nun.

Paliko-liko lang ako sa loob ng warehouse. Maraming kahon at industrial shit ang nadaanan ko rito. Potangina.. Saan ang exit?!

May narinig akong putok at agad akong tumago sa pinakamalapit na aisle sa kanan ko. ‘Di ako gumalaw at nakinig sa paligiran. Narinig ko ang mga footsteps na umeecho sa malaking silid.

“Oh, Amyyy!” sigaw ni Joanne. “Alam kong andito ka ngayon. Come out, come out, wherever you are!” tumigil siya sandali sa pagsasalita at narinig kong lumalakas at lumalakas ang bawat bakas ng dalawang paa niya. “Wala ka nang mapapala sa pagtatago mo, Amy. Makikita lang din naman kita at wala ka nang magagawa pa. Mas mabuti pang lumabas ka at isurrender ang sarili mo voluntarily para hindi lalaki ang sitwasyon ngayon.”

 

 

Voluntarily your ass! I thought.

Lumalakas ang mga bakas at may narinig akong paghinga sa likod ng nakaharang na aisle kung saan ako nakatago. Pinilit kong magrelax at unti-unting gumalaw sa kabilang direksyon. Nakakabingi ang tahimik na bumabalot sa atmospera ngayon at naririnig ko lang ang lakas ng tibok ng puso ko. She’s got a freaking gun for goddamn sake! How am I supposed to get out of here?!

 

 

Nang makaabot na ako sa dulo ng aisle, narinig ko uli ang mga bakas ng paa niya papunta sa kabilang dulo. Agad-agad akong nagtago sa likod ng mga kahon na naka-pile lang sa isang gilid. Sumilip ako sa maliit na butas ng isang kahon.

In Love With A Freshman (Slowly Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon