Chapter 37:
*Typical First Day As His Girlfriend!*
[THE NEXT DAY]
<Amy's POV>
"Hoy Amy! Gising na!"
"Kuyaaaaa... Natutulog pa ang tao, o!"
"Naku namang bata ka! Sabi ko na nga ba eh... Ang tagal mo kasing gustong umuwi na alam mo namang may klase sa susunod na araw!"
Eeeeiii... Kasalanan ko bang enjoy na enjoy ako sa party ni Jasper kahapon? =________=
"Payb minutes..." sabi ko.
"Aish! Ikaw talagang bata ka..." ramdam kong tumayo na si Kuya galing sa kama ko at binuksan ang pintuan. "Pasensya na sa'yo, ha... Ito kasing si Amy eh..." sinong kausap ni Kuya?
"Sige... Ako na bahala gigising nyan." Sino yun? Pamilyar ang boses, ah.
Pakialam ko? Pagod pa eh... =_____=
Nararamdaman kong may umupo sa tabi ko sa kama. "Uy, Amy..." tawag nya sa akin sabay yugyog sa akin.
"Che..." sabi ko.
"Gising na... May klase pa, o..."
"Pakialam ko?"
"Tsk... Eto naman si Mosh, o... Hahalikan kita dyan ngayon!"
O_____________O
*BLAG*
"Aray!" nakita kong nasa sahig si Jasper, hawak na hawak ang ilong nya.
"Anong ginagawa mo rito?!" sigaw ko sa kanya sabay balot ng kumot sa sarili. Eeeeh... Nakapantulog kaya ako tapos walang suot na bra! >____<
BINABASA MO ANG
In Love With A Freshman (Slowly Revising)
Fiksi Remaja-- Status: Completed, Slowly Revising -- One typical day in Evergreen State University, in a high school student population of 1,000, Amy Montefalcon, a sophomore, gets her heart and hopes crushed by one guy in the name of Daniel Hernandez under one...