Chapter 53: I Want Her Back

741 34 13
                                    

Chapter 53:
*I Want Her Back*

<Amy's POV>

"Huy, Amy!"

"H-Ha??" agad akong napatingin kina Janie at Zoe na mukhang naiinis na.

"Ano ka ba, Amy... Kanina pa akong dada nang dada rito tapos hindi ka naman nakinig??" inis na sabi ni Zoe. "Bakit masyadong tulala ka lang dyan???"

'Di ako makasagot agad sa kanya. Iniisip ko parin yung nangyari kanina. May problema na nga kay Jasper tapos dagdagan pa ng pag-aamin ni Ayden?

Anong ginawa ko para maabot sa ganito?

At anong nangyari kanina? Pagkatapos nung sinabi ni Ayden ang mga katagang iyon, naging tahimik na ako sa buong lunchtime namin. Medyo nagtaka naman si Tita kung bakit ako nagkaganun pero sinabi ko lang sa kanya na okay lang ako. She just let it all slide.

Ngayon? Andito kami balik sa Bulltons Auditorium para sa Awarding Ceremony. Ganun lang kadali ang pagche-check ng mga papel namin at ibigay ang mga resulta. Syempre may answer sheet at hindi na mahalaga ang solutions so bakit pa nila patagalan, diba?

"Pasensya na, Zoe," sabi ko sa kanya. "Marami kasi akong iniisip na importante, eh... Pakiulit?"

Napabuntung-hininga si Zoe pero inulit naman, "Ang sabi ko... KYAAAAAAAAAHHHH! ANG GWAPO NG EXOOOOO!!! *0*"

*boink*

"Ano ba, Amy??? Ba't ka nambabatok?!?!"

"Akala ko kung anong importante, eh! Punyeta... Yung mga Koreano lang pala!"

"Ihhh... Pasensya na, o! Di ko lang talaga mapigil eh... Tumugtog yung kanta nila, o! Narinig mo ba? ~~(≥ o ≤)~~"

Sandaling napapigil ako at nakikinig. Tama nga si Zoe. Tumugtog ang Growl ng EXO.

Pero punyeta naman! 'Kala ko kung anong sasabihin! ~____~

*pak pak pak*

In Love With A Freshman (Slowly Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon