EPILOGUE Pt. 1: Changes

237 18 3
                                    

EPILOGUE Part 1:
*Changes*

<Amy's POV>

[ 2 months later ]

"Be careful out there, okay?"

Tumango si Chrissy kay Rheanne at niyakap sya. Lumapit din kami nina Jessa, Diana, at Zoe at sumali sa kanila. Naramdaman kong may kumirot sa dibdib ko.

Tanggap ba namin o hindi, aalis na si Chrissy sa Pilipinas at dun na sa London ipagpatuloy ang pag-aaral niya. Sabi niya kasi sa amin, napromote raw ang tatay niya sa trabaho at ipinalipat siya sa London kung saan dun na siya itinakda. At dahil mabait ang CEO, all-expenses paid na ang pagpunta niya sa dun kasama ang pamilya.

Sino ba naman ang hindi makatanggi sa offer na 'yun?

Nang kumalas kaming anim, tinulungan namin siya sa mga gamit niya na nasa tabi ng sasakyan nila. May kinuhang cart si Zoe at nilagay dun ang mga gamit. Sinabayan namin si Chrissy maglakad papunta sa entrance ng airport kung saan naghihintay ang mga magulang niya.

"Well, uhmm, guys," tumigil si Chrissy sa paglakad at humarap sa amin. "I-I...I guess this is it."

Nararamdaman ko ulit ang kirot sa dibdib ko. Nakita kong yumuko sina Diana at Zoe at nakatingin lamang nang malungkot si Rheanne sa kanya. Nananatiling nakapoker face si Jessa.

"S-Salamat sa lahat guys ha," malungkot na sabi ni Chrissy. "Hinding-hindi ko kayo malilimutan.. ever. Pagsikapan kong magpadala ng pasalubong, o kaya ng boylet para sa inyo." kumindat siya sa amin at tumawa.

Napangiti lang ako. Hindi ko kayang tumawa sa ganitong oras, pati na aalis na talaga ngayon ang best friend namin.

"Chrissy," nagsalita si Diana. "Kung makasalita naman parang hindi mo na kami makikita. Wag naman OA! Kaya nga may Skype, diba?"

"Oo nga! Ikaw talaga," sabi ni Jessa. "Tapos damihan mo ang chocolates, ha? Yung 'Made In London' talaga."

"Autograph ng One Direction ah!" sabi ni Rheanne. Napatingin kaming lahat sa kanya. "What?"

"Ferrero Rocher lang," sabi ni Zoe. "Samahan mo na lang pala ng British tops, okay?"

In Love With A Freshman (Slowly Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon