Chapter 35:
*It's His What?! O_O*
<Amy's POV>
Dalawa at kalahating linggo. Dalawa at kalahating linggo silang ganito.
Halatang iniiwasan nila 'yung topic about sa kung anong ginawa nila, eh. Biglang maging nerbyoso ang lima kung buksan ko yang topic... Tapos hindi ko sila kasabay uuwi kasi busy nga raw! Ano kayang meron na bakit ganun sila? Pati naman sina Jasper, ganun din! Kahit na best friend kong si Ayden (LONG STORY) ay hindi parin sabihin sa akin. Anubayan... Bakit ganun sila? T^T
Mas lalo akong naging curious kung anong ginawa nila kasi yung mga kakilala ko pang mga freshmen ay nagtatanong sa akin kung alam ko ba anong araw ngayon. Lagi ko silang sinabihan ng hindi tapos nashock, teh? Tinanong ko na nga kung bakit tapos hindi nila sasabihin. Paano ko malaman kung ano ba talagang araw ngayon kung hindi naman sasabihin sa akin, diba?
Ano ba talaga ngayong araw? May thought kayo kung ano talaga ngayon? Baka si Miss Author lang, no?
Dismissal na namin ngayon... Hay salamat tapos na talaga ang klase... Pero bakit parang excited na excited masyado sina Diana? Ano ba talaga meron ngayon?
"Oi!" lumingon kami at nakita namin si Ayden palapit sa amin.
"May pangalan kaya kami, Ayden!" sabi ni Diana. "O ano... Mamaya na talaga?"
"Yeap. And we need to get ready." -Ayden
"Ayos! Excited na ako!" -Diana
"Ako rin!" -Jessa
"Ahem," singit ko. Hindi naman sa gusto kong sirain ang moment nila pero na-o-OP lang ako kasi hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nila.
"Hala tama!" biglang sabi ni Ayden.
"SI AMY!" sabay-sabay sumigaw ang limang loudspeakers. =_____=
"Ano bang pinag-uusapan nyo? Ano ba talagang meron mamaya na excited kayo? At bakit parang magpapanic na kayo?" sunud-sunod na tanong ko sa kanila.
"Take her to my mom's boutique," Ayden commanded. "NOW."
Hayun. Kinaladkad ako ng limang bruha sa sasakyan nila Chrissy. Sinabihan ni Chrissy ang driver nila na ang address at papunta na kami dun. Tinanong ko silang lima kung anong nangyari at bakit kami pupunta dun pero ano ang sagot nila?
"Basta! Malalaman mo rin yan mamaya!"
Wow. Nice talking! =__________=
Ilang minuto lumipas, dumating na kami sa isang very familiar boutique. Diba ito yung boutique kung saan laging customer dito si Mama? Kina Ayden pala ito??? Pumasok kami sa boutique at sinalubong kami ng isang magandang babae. Nasa late 30s ata siya... Pero pramis, guys! Ang ganda-ganda niya.
BINABASA MO ANG
In Love With A Freshman (Slowly Revising)
Teen Fiction-- Status: Completed, Slowly Revising -- One typical day in Evergreen State University, in a high school student population of 1,000, Amy Montefalcon, a sophomore, gets her heart and hopes crushed by one guy in the name of Daniel Hernandez under one...