Chapter 56: Taken

514 16 5
                                    

Chapter 56:
*Taken*

<Amy's POV>

I kept running, not really sure where I would go. The stinging pain in my chest is still there. I can't believe I just did that. I was such a fool.

Bumalik nalang ako sa canteen at nakita kong masayang tumatawa ang mga kabarkada ko. Mabuti pa sila... Walang problema. Nilapitan ko ang table nila.

"O ano, kumusta?" tanong sa akin ni Diana na may ngiti parin sa labi.

"Uuwi na ako," sabi ko sabay kuha ng bag ko. Tatalikod na sana ako pero hinawakan ni Diana ang kamay ko.

"Aalis ka na? C'mon, Amy! The afternoon is still young!"

"Aalis na nga ako sabi," kumalas ako sa hawak niya. Nabigla sila sa sudden change ng aura ko.

"Amy, anong nangyari pala?" alalang tanong ni Rheanne sa akin.

"I-I.." hinigpit ko ang hawak ko sa bag ko. "Sorry, hindi ko masabi. Aalis na ako," tumalikod na ako at agad umalis.

Nag-iisa lang akong naglalakad. Kinuha ko ang cellphone ko at tinext si Kuya na magpasundo na ako. Malayo pa naman ang parking lot kaya marami pa akong oras sa sarili ko.

Binalikan ko na naman ang nangyari kanina. Ba't ko ba siya ginanun kanina? Gusto lang naman niya na ipapabalik ko siya sa buhay ko. Gustung-gusto ko nga pero natatakot akong magkarelasyon uli.

I'm such a coward.

Yung sinasabi kong pangyayari na nakakatraumatize? Ayoko 'yun pag-uusapan. Nakakatakot. Nakakatakot talaga. Mabuti at pinigilan din ako ni Kuya. Kada sigaw niya eh tinanggap ko talaga. Ang tanga ko kasi. Nagmamahal lang naman ako ah.

Pero ngayon ko na narealize at naconclude na ang love ay powerful talaga.

Habang magkalapit at magkalapit na ako sa parking lot, hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba. Lumakas kasi ang tibok ng puso ko.

Bakit may ganito akong sense of intuition?

'Di ko lang ito pinansin at tumuloy lang sa parking lot.

In Love With A Freshman (Slowly Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon