Chapter 7: Fight, LAFS, and Broken Heart

1.5K 35 6
  • Dedicated kay Yan Yan Paz
                                    

Chapter 7 

*Fight, LAFS, and Broken Heart*

<Amy's POV>

*SMACK*

Anak ng siomaaaaaaaaai! T^T'

FIRST KISS KOOOOOOO!

Napatulala lang si Jasper sa harapan ko. O ano?! Tatanga lang 'yan sa harapan ko?!

"HOY! Landi mo, a!" sigaw ko sa kanya.

"Ako? Malandi? E hindi ko naman sinadya, e!" sabi niya balik at umalis para ipasa ang test paper nya.

I wo-walkout lang ako nito?! 'Di pwede! Laki ng kasalanan niya sa akin, ha! Sobrang dikit nya... SOBRANG-SOBRA!

"Aba, ha.. 'Kala mo lulusot ka lang!" hinawakan ko ang braso niya nang nakalabas na kami sa classroom namin. "Laki ng kasalanan mo sa akin, 'pre! First kiss ko yun! Tapos hahalik ka lang bigla???"

"HOY! Kung dumiretso ka na lang sana sa kaliwa o sa kanan pagkatapos ng pagpasa at hindi tatalikod, hindi sana yun mangyari!" depensa nya.

"At hindi rin sana yun mangyari kung hindi lang dahil sa katangahan mo na lapit ka nang lapit sa akin!" sigaw ko balik. "Gwapo sana, eh.."

"O ano... Gwapo na ako? Nakakalito ka talaga, no? Pinapantasyahan mo pa ako o pinapagalitan?" hirit nya.

"Feeler ka masyado, no? Ako? Papantasyahan ang magnanakaw ng first kiss? In your dreams!"

"'Di ako feeler... Gwapo ako.. Kaya hwag mo na akong papatulan.."

"Ipacheck-up mo kaya yang mata mo... Mukhang lumalabo ang paningin mo o kaya ipasurgery... Tama ipasurgery. Nasobra na siguro yang pagkasingkit ng mata mo, no?"

"Linisin mo kaya nang mabuti yang salamin mo! Baka nadudumihan na at di mo na masyadong makita ang kagwapuhan ko."

In Love With A Freshman (Slowly Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon