PROLOGUE
*Starting Over Again*
<Unknown POV>
"What?! You're not going to the same school as I am?!" sabi niya sa akin na may halong lungkot, gulat, pagtataka at galit.
"Yun naman sabi ng tatay ko, eh," pagpapaliwanag ko sa kanya. "Alam mo namang dun sya nagtuturo at-"
"Bakit hindi mo pinilit na sa Benigno Aquino Academy ka na lang mag-aaral?!" unti-unting pumatak ang luha galing sa mata nya.
Pinunas ko yun. "Sinabi ko naman, eh! Ginawa ko na ang lahat para mapunta ako dun pero wala, eh. Di pumayag. Kasi libre na tuition ko raw dun at---"
"Para dun lang?! Libre tuition?!" sunod-sunod nang tumulo ang mga luha nya. "Diba sabi mo walang iwanan?! Kahit anong mangyari?!"
"Hindi nga eh-"
"E kung hindi naman, bakit nakipaghiwalay ka sa akin?!" galit niyang sigaw sa akin. "Wala naman tayong problema, ah! May kulang pa ba ako, Gino? Hindi mo na ba ako mahal?!"
"Anne, makinig ka muna nga nang sandali!" sigaw ko balik. "You're perfect, okay? Walang mali sa'yo o sa atin. Alam mo namang ang hirap din nito para sa akin! Mahal kita, Anne... but I have to let you go. Ayokong makita kitang nahihirap tuwing wala ako sa tabi mo. And besides, bata pa tayo para magkaganito! May pag-aaral pa tayong asikasuhan. Gusto kong bigyan natin ng pansin ang edukasyon. I assure you, Anne. It will be worth it in the end."
Umiiling siya. "Pero kailangan talagang makipaghiwalay, Gino? Grabe naman oh.."
"Please Anne, trust me," hinawakan ko ang magkabilang balikat niya.
"Gino, hindi," sabi niya. "Grabe ka naman, oh. Anong ba talagang nasa isip mo, Gino? Sabihin mo nga sa akin. Hindi sapat na rason ang pagbutihan ang pag-aaral. Alam ko yun. Tingnan mo nga ang iba dyan! Kaya nga nila eh! Bakit tayo, Gino, hindi? Ano ba talagang meron?"
Tumahimik lang ako. Hindi sa may tinatago ako pero wala talaga akong masabi. Nasabi ko naman ang lahat ah... at totoo naman yung intensyon ko sa pagkipaghiwalay sa kanya.
"Gino, ano ba talaga?!" sigaw niya.
"Anne!" napatalon siya nang bahagya pagsalita ko. "Don't you trust me?! Will you stop being so shallow and consider my decision once in a while?!"
Sinampal niya ako. Damn.
"Shallow?! Kung makasalita naman parang hindi shallow ang rason ng pakikipagbreak mo!"
Hinawak ko siya sa balikat. "Hindi mo naiintindihan, Anne! Bakit ang hirap sa'yo makaintindi?! I want to lay off for a while!"
"Ano ba talaga?! Nakipagbreak ka para sa pag-aaral natin o ayaw mo na talaga?!"
BINABASA MO ANG
In Love With A Freshman (Slowly Revising)
Teen Fiction-- Status: Completed, Slowly Revising -- One typical day in Evergreen State University, in a high school student population of 1,000, Amy Montefalcon, a sophomore, gets her heart and hopes crushed by one guy in the name of Daniel Hernandez under one...