Chapter 3

41 3 0
                                    

Message

Aurora's POV

Maingat kong ikinubli ang aking prisensya habang walang-ingay na tinatahak ang daan patungo sa pinakalikod na bahagi ng mansyon ng mga de Fidellis kung nasaan ang kagubatan na siyang tatahakin ko patungo sa lugar na pupuntahan ko ngayong gabi.

Agad akong napatago nang marinig ang mga paparating na mga mafia sentinels ng mga de Fidellis. Nang mawala na sila sa paningin ko ay ipinagpatuloy ko ang paglalakad-takbong ginagawa habang nag-iingat na hindi makagawa ng kahit anong tunog.

Mabuti naman at kahit katawan ni Kinara 'tong gamit ko ay hindi na ako nahirapan pang mag-adjust. Parang ngang walang nagbago at tila yung katawan ko pa rin ang gamit ko, except sa pagmumukha.

Nang makarating sa pinakalikuran ng mansyon ay sinuri ko muna ang paligid. Nang makitang isang mafia sentinel lang ang nagbabantay ay napahinga ako nang maluwag. Akala ko pa naman mapapasabak ako sa labanan ngayong gabi.

Bakit isa lang ang nagbabantay dito sa likuran eh isa ito sa dapat bantayan? Paano nalang kung may kalaban at dito dumaan diba? Tsk tsk. Ang bobo talaga ng mga de Fidellis...

On second thought, hindi pala ang de Fidellis ang mga bobo. Ang mga bobo ay iyong mga taong nagpapanggap na de Fidellis.

Tiningnan ko ang mafia sentinel na kasalukuyang nakatalikod sa akin at nakaharap na nakatayo sa may kanang bahagi ng back gate.

Napangisi ako nang may naisip na kalokohan. Etong naiisip ko kasing gawin ay napaka-imposibleng mangyari sa tunay na mundo. Even I, as one of the top agents, ay nahihirapan ding gawin to kaya hindi naman masamang subukan dito dahil 'fiction' naman itong mundong kinagagalawan ko, kaya this might be effective here.

Lumipat ako sa lugar kung nasaan hindi ito mahahagip ng CCTV at doon lumikha ng konting ingay. As expected ay napalingon iyong mafia sentinel saka lumapit sa kinaroroonan ko para suriin kung ano ang sanhi ng ingay.

I slowly crept behind his back and pressed something on his neck. To my surprise, gumana nga siya. Tulog na bumagsak ang kawawang mafia sentinel sa may paanan ko kaya hinila ko ang katawan niya at isinandal sa puno.

See? This technique is really possible here. Perks of being a fictional world. Sa totoong buhay kasi ay di ito nagana. Even martial artists can't do this technique perfectly at kinakailangan talaga na eksperto ka at pamilyar sa anatomiya ng mga pressure points bago mo ma-master ang technique na 'to. Only a few people have mastered this technique and I am not one of them.

I prefer shooting the enemies straight to their brains, not knocking them off.

Iniwan ko na si kuyang guard do'n saka maingat na iniwas ang sarili sa mga camerang nakapalibot.

Nang makarating sa pinakamasukal na bahagi ng gate ay agad ko itong inakyat.

Nang makababa sa labas na bahagi ng mansyon ay maingat kong tinakbo papasok ang gubat kung nasaan ang pakay ko.

Tanging tanglaw lang ng buwan ang siyang nagsisilbi kong ilaw dito sa kagubatan. At kahit wala ang buwan ay kaya ko pa rin namang makakita sa dilim dahil sanay akong kumilos nang kahit walang anong ilaw.

Matapos ang halos isang oras ng paglalakad ay nakarating na din ako sa pakay ko dito sa kagubatan. Tiningala ko ang napakatangkad at napakalaki na puno ng balete na nasa harapan ko ngayon.

Sobrang laki ng trunk ng balete na to. Sa tingin ko ay kukulangin ang mahigit sampung tao na palibutan ang punong ito.

Kung titingnan mo ay para talaga siyang pinamumugaran ng masasamang elemento. Isama mo pa ang pa fog-effect dito sa gubat.

Aurora's Gambit: Defying DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon