26

80 4 0
                                    

Renon

Lumipas ang isang buwan nang napakabilis. Mukhang nagmamadali talaga si Papa God. Joke. At malapit na namang mag-ber months. At kapag ber-months na, ibig sabihin nagsisimula na ’yung countdown ng nalalapit na pasko. Pero matagal pa naman. Hehe.

Sa paglipas ng isang buwan na ’yon ay ang daming nangyari. Si Tito Lucio, medyo naging busy sa trabaho niya bilang engineer, meron kasi siyang new project na hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos. Kaya minsan nalang siyang makauwi ng bahay. Kaya minsan niya nalang din akong masundo.

At kung itatanong niyo kung kamusta kami? Okay lang, masaya pa rin naman. Hindi kagaya noon na hindi kami nagpapansinan, pero ngayon okay na okay. Feeling ko nga mas close na kami ngayon kaysa sa kanilang dalawa ni Mama. Napapansin ko kasing minsan nilang silang dalawang nakakapag-usap.

Speaking of Mama...

Si Mama, naging busy siya noong mga nagdaang araw sa new business niya. Dahil nakapagpatayo na siya ng business sa tulong ng boyfriend niya--ni Tito Lucio, naging busy na siya. Halos doon na nga siya tumira eh, pero naiintindihan ko naman. Kaso nga lang, may nararamdaman akong kakaiba kay Mama. Parang may nagbago pero hindi ko malaman kung ano ’yon. Idagdag pa ’yung pagiging malapit niya sa Daniel na ’yon.

Naalala ko nga noon nu’ng pauwi ako galing school, naabutan ko si Mama na nakikipagtawan doon sa lalaking ’yon. Pero no’ng tinanong ko siya kung anong meron, wala lang daw at ang sabi pa ay nirerecommend daw siya bilang tagagawa ng mga cupcakes sa wedding nu’ng pinsan ni Daniel. At doon na nagsimula ’yung pagiging weird ni Mama. Doon nagsimula ’yung pagiging malapit ng dalawa.

Pero pinipilit ko nalang na ipagsawalang-bahala ’yon kasi sabi ni Mama, customer niya lang daw ’yon.

Pero hindi talaga eh, may kakaiba akong nararamdaman sa tuwing nakikita ko silang dalawa. Ayaw kong mag-isip ng kung ano-ano pero hindi ko mapigilan. Ayaw kong pag-isipan si Mama ng masama pero hindi ko maiwasan, lalo na sa mga kinikilos niya. Hindi sa pinagdududahan ko si Mama, nag-aalala lang ako sa kanilang dalawa ni Tito lalo na’t noong mga nagdaang araw ay napapansin kong minsan nalang sila makapag-usap.

May konklusyon nang nabubuo sa isip ko at sa oras na mapatunayan kong totoo ang mga iniisip ko. Hindi ko talaga alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Pero sana hindi totoo ’yung nasa isip kong ’yon.

Pero anyways, huwag muna nating isipin ang bagay na ’yan. Dahil ang kailangan kong isipin ngayon ay ang nalalapit naming exam! Huhu! Kailangan kong mag-review dahil malapit na ’yung exam namin.

Sa nagdaang isang buwan ay wala akong ibang naramdaman sa school kung hindi ang mai-stress! Research dito, research doon ang ginagawa namin. Minsan nga hindi na ako nakakatulog. At imbis na pahinga ko ang sabado at linggo, nagiging school days ko pa kasi kailangan kong tapusin ’yung mga activities na tinatambak sa’min. Nagmistulan tuloy kaming first year college sa nangyayari sa’min.

Feeling ko china-challenge ako ni Papa God, kung susuko raw ba ako o hindi. At siyempre hindi ako susuko ’no! Kahit gaano kahirap, gagawin ko pa rin. Kasi lahat namang talaga ng mga bagay ay nagsisimula sa mahirap. Walang madali.

Pero mabuti nalang talaga at palagi kong nakakagrupo ’yung dalawa sa tuwing may group activities sa school kaya ayon lagi kaming nagtutulungan, mas napapadali kasi ang mga gawain kapag may kasama. Pero mas nadagdagan ’yung stress ko nang malamam kong sa english club ’yung nasalihan kong club dito sa school. Actually, kaming tatlo nina Akiro ay pareho ng sinalihan.

Pero tang ina! English club ’yon! Ni hindi ko nga maalala na nagparegister ako roon eh. Pero ang sabi sa’kin ni Echo, si Akiro raw ’yung naglista ng pangalan ko roon. Kaya wala na akong nagawa pa, bawal na rin kasing lumipat ng club eh. Pinasubo pa ako eh.

His Forbidden Desires (Forbidden Series #1)Where stories live. Discover now