27

134 9 0
                                    

Renon

Pumasok agad ako sa loob ng bahay nang makababa ako ng sasakyan. Hindi ko nakita sa labas ’yung sasakyan ni Tito Lucio kaya ibig sabihin wala pa siya.

Habang nakasukbit pa rin ang aking bag sa aking balikat ay dumiretso ako ng kusina upang i-check kung may tao roon at naabutan ko nga si Manang na nagluluto.

“Good evening, Manang. Nandito ho ba si Mama?” Pagbati at tanong ko rito nang makalapit ako sa kinaroroonan niya.

Naamoy ko ’yung niluluto niyang ulam na mukhang kare-kare. Nakakagutom ’yung amoy kaya hindi ko mapigilang matakam.

“Nandiyan kana pala iho. Wala pa ’yung nanay mo eh, hindi pa rin siya umuuwi,” sagot ni Mabang bago ibinalik ang tingin sa niluluto niya at hinalo iyon.

Hays. Hanggang ngayon ay wala pa rin si Mama. Maaga siyang umalis kanina eh, hindi na nga nahintay si Tito Lucio at nagpahatid nalang kay Mang Henry kaninang umaga.

Sabra ba talagang busy ’yung business niya? Sa puntong hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakaka-uwi. Gano’n din siya noong siya ang nagma-manage ng isang restaurant ng boyfriend niya pero naiintindihan ko ’yon at lagi naman niyang kasama noon si Tito eh. Kaya ayos lang kung hindi siya makauwi kasi kasama naman niya si Tito.

Pero ngayon hindi na, kaya medyo nag-aalala ako sa kaniya. Baka kasi hindi na naman makauwi ’yon at doon na naman magpapalipas ng gabi. Kagaya nalang noong nagdaang mga araw.

“Eh si Tito ho? Uuwi ba siya ngayon?” Muli kong tanong sa kaniya. Nagbabakasakaling makakuha ng magandang sagot.

Pero sana talaga umuwi siya dahil kailangan ko pang sabihin ’yung tungkol sa gagawin namin nina Akiro’ng pagre-review na gagawin dito sa bahay. Ayaw ko namang basta nalang na patuluyin ’yung dalawa kong kaibigan dito kasi hindi naman namin totoong bahay ’to ni Mama, bahay ’to ng boyfriend niya.

Tumango si Manang, “Oo iho, tumawag kani-kanina lang. Kaya nga eto, nagluluto ako ng paborito niyang kare-kare, nagre-request kasi.”

Napa-ah ako sa sinabi ni Manang. Hindi ko mapigilang mapangiti ng palihim sa sinabi niya. Mukhang may nalaman ako ngayon tungkol kay Tito, tungkol sa favorite niya. Mahilig pala siya sa kare-kare. Minsan na akong nakakain ng ganiyang ulam pero hindi ko gusto ’yung lasa. Hindi sa pagiging maarte ah, iba kasi talaga ’yung lasa ng natikman kong kare-kare. Pero ngayon mukhang magiging iba na ’yung pananaw ko sa ulam na ’yon, favorite ni Tito eh. Kaya dapat favorite ko rin. Mwehehe.

Isa pa, mukhang masarap ’yung luto ni Manang. Kahit amoy palang nakakatakam na, ibang-iba roon sa kare-kareng binili ni Mama noon sa karenderya sa probinsya namin.

Sa sinabi ni Manang parang biglang nag-sink in sa utak ko na wala pala talaga akong alam tungkol sa boyfriend ni Mama, sa kung ano ’yung mga gusto o paborito niya. Kagaya ng pagkain, lugar o kung ano-anong pwedeng maging paborito. Ang alam ko lang ay ’yung pangalan at edad niya, ni hindi ko nga alam kung kailan ’yung birthday niya!

Matanong nga kapag may time.

Parang mas lalo tuloy akong na-eager na mas makilala pa si Tito Lucio. Lalo na’t ngayong okay na okay kaming dalawa, walang samaan ng loob, walang iwasan. Parang gusto kong malaman ’yung iba pa niyang mga paborito o ’yung mga gustong gawin. Parang gusto kong malaman ang lahat-lahat sa kaniya.

“Ah sige ho, Manang, magbibihis lang ako,” saad ko nang mapagtantong nakasuot pa pala ako ng unipormeng pang-aral. Nasa balikat ko pa rin pala ’yung bag ko.

Hays. Basta talaga kapag si Tito Lucio ’yung pinag-uusapan, parang nakakalimutan ko ang lahat ng kailangan kong gawin. At walang ibang nasa isip ko kung hindi siya lang kapag siya ang topic.

His Forbidden Desires (Forbidden Series #1)Where stories live. Discover now