«Featured Song»
「Merry Go Round」
By: YuuriRan once told Luke, that he can see different shades of orange, whenever he hear Luke sing. Nowadays, the only orange that Luke could remember was one, the color of the fire that took away Rika's life, and two, the color of the burning cigarette, he was puffing that night which was later used to set him up to a crime he didn't commit.
Perhaps, it was too abstract, so Luke never really understood what it means at that time. But it was indeed something abstract, yet... it's real.
"Kuya Luke." Leo walk towards the direction of Luke, who just arrive to her art studio. Luke was walking towards Leo, but he wasn't wearing his usual smile, nor had an energy to fool around, like he usually do. He was furring his eyebrows. Disappointed and angry about what happened before he get there. "Ba't ganyan itsura mo? May nangyari nanaman ba sa trabaho mo?"
Luke was from his work as a storekeeper, where he recently got fired. This wasn't new to him, but he still isn't used to it, yet. It still pisses him off every time it happens. That job he just lost was the only job that he has done for more than a year now. He thought it would finally give him the career that he always wanted, but then, he got into a fight with his co-workers three times already, the maximum allowed, and today happens the third time, so he was fired.
"Wala na naman akong trabaho. Sisante na ako." Inis na sabi ni Luke pagkapasok nila sa art studio ni Leo. Marahas n'yang hinubad ang suot na polo at itinapon iyon sa sofa. Inayos nito ang suot na sando, na pangilalim n'ya sa polong kahuhubad n'ya lang, pagkatapos ay naupo s'ya sa sofa. Tumabi naman si Leo sakanya.
Simula no'ng nagtrabaho ito bilang storekeeper ay sa art studio na s'ya ni Leo tumitira pansamantala. Mas malapit kase ang byahe n'ya mula roon, papasok sa trabaho n'ya. Bilang pagtanaw ng utang na loob, kusa s'yang nagprisinta na s'ya na ang gumastos, para sa pagpapaganda ng studio na iyon. S'ya na rin ang naglilinis nito, at nag-aayos ng mga nasisirang gamit dito, mula mga ilaw, bintana, hanggang sa mga gamit sa loob, at appliances. Doon rin sa studio na iyon gumagawa ng mga artwork si Leo, kaya madalas ay ito na rin ang kasama ni Luke kapag kailangan nito ng mapagkekwentuhan ng mga problema n'ya sa trabaho. "Bakit? Napaaway ka ba ulit?" tanong ni Leo.
Humarap naman kay Leo si Luke, at sinubukang ikalma ang sarili bago sumagot "Oo." Kahit mainit ang ulo nito ay kahanga-hanga ang kontrol nito sa sarili kapag kaharap na ang mga malalapit sakanya. Hindi n'ya gustong masigawan ang mga ito, o 'di sinasadyang saktan, dahil sa init ng ulo nito, kaya madalas, kahit gaano pa man s'ya kainis sa mga nangyayari sa araw n'ya, ay nagagawa nitong maging kalmado, lalo na sa harap ng mga dati nitong kabanda sa Gassho. "Sorry Leo, mukhang dito muna ako hanggang sa makahanap ako ulit ng bagong trabaho. Sorry, ganito nanaman."
"Kuya Luke naman. Hindi mo naman na kailangang mag-sorry. Pwede ka dito, kahit kailan." Inakbayan ni Leo si Luke. "Ang laki kaya ng ikinaganda nitong studio ko, simula no'ng ikaw na nag-alaga." Inilibot nito ang tingin. "Itong canvas stands na binili mo, sobrang gamit na gamit ko ngayon, kesa sa lapag ako nagpe-paint. Iyon namang drawing board na binili mo rin, sobrang gamit ko sa mga commission portraits." Ibinalik nito ang tingin kay Luke. "Lagi pang malinis at organize ang gamit ko kapag pupunta ako rito, kahit iwan kong nakakalat, bago umuwi."
Masipag mag-ayos at maglinis si Luke. Organized s'ya sa mga gamit, at maingat sa pagtatago mg mga ito sa tamang lalagyan, kaya wala naman sakanya ito.
"Pero pang ilang palit ng trabaho ko na 'to. Nakakahiya sainyo ni Shin na mas mga bata pa sa'kin."
"'Wag ka mahiya sa'min. Kung tutuusin, ang galing mo nga, kase kahit anong trabaho, kaya mo." Tinapik ni Leo ang balikat ni Luke "Kaya 'wag mo na isipin 'yun. Ganito, Ililibre nalang kita, para sumaya ka."
BINABASA MO ANG
New Sound
General FictionMusic school students has to look back on the events 17 years ago to uncover the truth of the fire accident that killed their beloved teacher. Date Started: May 3, 2015 Date Finished: October 23, 2024. Added Additional Scenes: November 6, 2024 Note:...