Chapter 3: Ms. Rika

34 3 11
                                    

Early August

Emi Grace Montero's PoV

"Saan tayo pupunta?" tanong ko kay Nathan habang naglalakad kami papunta sa likod isang building.

Kanina ko pa s'ya tinatanong kung saan kami pupunta at bakit kami pupunta doon, pero wala naman s'yang sinasagot 'ni isa. Gusto ko nga sanang magkwento sakanya na ganyan din minsan ka-snob saakin si jack, pero naisip ko, 'wag nalang. Hindi naman n'ya ako papakinggan eh.

Mga ilang saglit pa, huninto kami sa tapat ng bintana ng isang room. At sa base sa mga laman nito... "Dito sa likod ng storage room?" nagtataka kong tanong.

Doon nakatambak ang mga sirang instruments na ipapaayos pa, o kaya papalitan ng parts.

Ano namang gagawin namin dito?

"No. Sa taas" sabi n'ya at tumingin sa room directly above nung room sa tapat namin.

Napasunod naman ako ng tingin sa tinutukoy n'ya. "Ano?! Pa'no tayo aakyat dyan?!"

Pambihira naman oh. Ano ba kaseng pinaggagagawa namin? Kung ano-ano nang napasok namin, dahil lang sa simpleng pagkawala ni Ms. Rika ah. Well, siguro nga, nakaka-alarma, dahil isang buwan din si Ms. Rika'ng absent nang biglaan at 'ni wala kaming alam kung anong nangyari. Kapag tinatanong naman namin ang iba naming teachers, mukhang hindi rin naman nila alam. Pero, bakit naman kase ganito ang ginagawa namin? Ano namang kinalaman nito doon?

"Teka nga. Sandali. Ba't di nalang tayo dumaan sa pinto?" sinenyasan ko s'ya at pinamaywangan.

Natawa naman s'ya sa sinabi ko. "Haha, sorry hindi pwede. That room was the Principal's Office. I'll just find something that can help us out to at least hear what's happening inside" sabi nito. "I'll be back. I'll just get a ladder from the auditorium. Just stay here, got it?" dugtong n'ya pa.

Teka, Principal's office? Ang principal naming si Ms. Raemyen lang naman ang nandoon ah.

"Anong kinalaman ni Ms. Raemyen dito? Bakit parang napaka-fragile naman ng sitwasyon, para pasikreto pa nating alamin ang tungkol doon, kesa deretsahang itanong kay Ms. Raemyen?" Aalis na sana s'ya nang ihabol ko pa ang mga tanong na iyan.

Masyado na, kase talaga akong nawiwirdohan sa mga ganap. Parang feeling ko napakadami ko pang hindi alam sa school na 'to, kahit na ang tagal-tagal ko nang estudyante dito.

Huminto s'ya sa paglalakad. "She's involved into something that was seemingly connected to the two rival bands" sagot n'ya nang nakatalikod parin sa'kin.

"Two rival bands? Did you mean, Gassho and Raising Highschoolers?"

Hindi naman n'ya ako sinagot at dumeretso nalang ng lakad.

Bakit gano'n? Ano pa bang pwedeng magawa ng mga bandang lagi lang naman tumutugtog?

Pinabayaan ko na nga lang at naghintay nalang sa pagbalik ni Nathan. Kukulitin ko talaga 'yon 'pag balik no'n.

Bakit ba kase ako ang napag-trip-an n'yang isama rito? Ang dami-dami namang mga estudyante na favorite si Ms. Rika. Kinikilabutan naman ako sa ginagawa namin. Ms. Rika is just absent... ano ngayon? It's not like she can't do that. But the way this guy talk and move...

Inilabas ko nalang ang cellphone ko, para makapagtingin-tingin muna ng pictures ni Jack habang wala si Nathan.

Utang na loob, kilabot, mawala ka sa sistema ko.

New SoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon