November 28, afternoon
Noah Streisand's PoV
"Uy, aalis ka? Saan ka naman pupunta?" tanong ni Agape nang magkasalubong kami sa lobby ng hotel. Bitbit n'ya ang gitara n'ya at paakyat sana sa room n'ya.
Halos kadadating lang namin dito galing sa isang interview. Wala naman na kaming naka-schedule nitong hapon, kaya naisip kong sulitin na ang tsansang 'to, para lumabas. "Sama ka?" tanong ko sakanya.
Sumenyas naman s'ya. "'Di na. May lakad ako. Where you headed?"
"I'll go to the post office. I'll send a letter to Luke."
Isa, dalawa, tatlong segundo. Nakatingin lang s'ya sa'kin, hanggang sa alanganin s'yang tumango. 'Di na s'ya nag-abalang sumagot at basta naglakad nalang palampas saakin.
He must be shocked that I've decided to mention that man all of a sudden. Besides, sigurado akong hindi pa alam ng isang 'to kung ano nga bang dapat sabihin kay Luke. It's because that Luke we are talking about is a prisoner, convicted of arson.
Lumabas na ako ng hotel.
"Aalis ka?" Tanong naman ni Eliz saakin na s'ya namang papasok palang. Kasama n'ya si Samael na may bitbit na mga bag na, base sa pagkakakilala ko ay kay Eliz. Palibhasa ngayon lang magliligpit 'tong si Eliz, dahil kagigising lang sa van.
Tumango nalang ako bilang sagot.
Mukhang alam naman na ni Sam kung saan ako pupunta, dahil sa mga sobreng hawak ko, kaya bago pa man ako makalayo sakanila, may inihabol pa s'ya saakin.
"Hey, off to post office, right?" Sumenyas s'ya sa'kin ng 'wait' si Sam at ibinababa sa lapag ang mga bag ni Eliz tsaka patakbong pumasok sa loob. Hinintay ko s'ya at nang makalabas s'ya ulit ay may dala na s'yang sobre. "Pasabay." Inilahad n'ya sa'kin 'yon.
"Ano namang sinabi mo sakanya dyan?" tanong ko habang kinukuha 'yon sa kamay n'ya.
"Something... Agape told me." Nangunot ang noo ko. Ang indirect naman ng sagot nito ni Sam.
"And that's about?" curious kong naitanong.
"Iro." Iro? Bakit kay Iro tungkol? Tapos na ang undas, kaya, bakit naman madadamay 'yung patay dito?
"You serious? Iro's dead. Ba't mo naman kekwentuhan 'yung tao ng tungkol sa patay na?"
Tumawa lang si Sam. "So 'Gape hasn't told you." Nang maka-recover s'ya sa pagtawa ay nagpatuloy s'ya sa sinasabi n'ya. "Gape told me, Iro is alive. Sabi raw ni Leo."
Nandilat naman ang mata ko sa narinig kong 'yon. Doon ko lang din napansin ang presensya ni Eliz sa gilid ko na gano'n din ang reaksyon, kagaya ko.
"Sam, masama magbiro ng tungkol sa patay." sabi ni Eliz sa gilid ko. Mukhang hindi s'ya kumbinsido sa sinasabi ni Sam.
Tumango-tango rin ako, dahil ako rin 'tong hindi makapaniwala.
"We'll see. How about we go together to Leo's art studio and talk to her herself?"
Pumayag kami ni Eliz, pero ang sabi ko ay susunod nalang ako, dahil dadaan pa ako ng post office. Aayain pa ni Sam si Gape sa loob, pero 'yung loko, nawawala na. Malamang maghahanap nanaman ng babae n'ya. Minsan, 'di ko na alam kung fan service pa ba 'yun, o iba na eh. Though, hindi naman s'ya nai-issue sa media sa tuwing humaharot s'ya. Ewan ko. Baka nga friendly lang. Ayoko nalang isipin.
BINABASA MO ANG
New Sound
Ficción GeneralMusic school students has to look back on the events 17 years ago to uncover the truth of the fire accident that killed their beloved teacher. Date Started: May 3, 2015 Date Finished: October 23, 2024. Added Additional Scenes: November 6, 2024 Note:...