Chapter 76: Agape Goes To...

11 2 3
                                    

Agape Syndell's PoV

"Hoy, sa'n ka nanaman pupunta? Kadarating lang eh." Hawak pa ni Sam ang likod ng kwelyo ko, kaya napahinto ako sa paglalakad.

Tinanggal ko ang kamay n'ya sa kwelyo ko at humarap "May kausap ako." maloko ko s'yang pinag taas babaan ng kilay. Bahala na kung anong isipin n'ya, ang mahalaga makaalis muna ako.

May ilang araw pa naman bago ang concert namin. Ayoko na eh, konsensyang konsensya na ako, wala na akong time mag-explain ng mga lakad ko. Tsaka inaamin ko rin naman na napasarap 'yung pagliliawaliw ko sa Taiwan, akala ko kase matatanggal 'yung bigat ng konsensya ko na tinuloy-tuloy pa namin 'tong world tour. Pero wala, pucha.

"Babae agad? Agape, katatapak mo lang ng lupa sa Pilipinas?"

"Oo, itambak n'yo nalang muna 'yung gamit ko, mamaya ko na liligpitin 'yon."

Bakit ba kapag umaalis ako, babae agad? Pero hayaan na, isipin na nila kung anong gusto nilang isipin. Aalis na ako.

Nagsuot lang ako ng cap at face mask at tsaka nag-taxi papunta kila Leo. Hmp, babae nga, pero hindi sa paraang iniisip nila.

Pagdating ko kila Leo ay nandoon din pala si Shin. Magkaedad lang kami ni Shin, at mas matanda si Leo sa'min ng isang taon, pero pangalan lang ang tawag ko sakanila. Sa Gassho lang uso ang pagtawag ng kuya at ate.

Ikinuha ako ng tubig ni Leo. Nakita kong may baso rin ng tubig sa harap ni Shin sa tabi ko, pero 'di n'ya iniinom 'yon. Nakatungo lang s'ya habang nakahawak ang dalawang kamay n'ya sa ulo n'ya. Mukha s'yang problemado. Wala ba 'tong lipad ngayon?

Naitanong ko tuloy kay Leo kung anong problema.

Matagal n'ya akong tinignan bago s'ya sumagot. "Si kuya Iro," Ninerbyos ako sa simula ni Leo, kaya napalunok ako.

"A-Anong si Iro?" Ayokong isipin na baka may minumulto na. Alam ko naman kaseng hindi gano'n kadali biru-biruin 'yung aksidente ni Iro para kay Shin. Uminom nalang tuloy ako ng tubig.

"Buhay pa si kuya Iro."

Nasamid tuloy ako sa tubig habang hindi ko alam kung ano bang dapat na reaksyon ko. Dapat ba akong magulat o matakot. Tinignan ko si Shin. Seryoso s'ya.

"Ano?!"

Tinangoan lang ako ni Leo.

"Pa'nong— Anong— seryoso ka ba?" Inubos ko na tuloy ang tubig, para makakalma ako. Tinignan ko si Shin. "Shin, ano?"

"Totoo 'yun." seryosong sagot sa'kin ni Shin. S'ya na rin ang nagdetalye sa'kin ng tungkol sa sinasabi nila kay Iro. Na may nakasalubong si Shin sa daan noon na kamukha ni Iro at nakumpirma ni Leo na si Iro nga iyon. Pinakitaan pa ako ni Leo ng picture ng isang lalaking naka-uniform na kulay blue, at...

Gago, kamukha nga ni Iro.

"P-Pero okay nga 'yon, 'di ba? Ibig sabihin buo kayo." Bumaling ako kay Shin at hinawakan magkabilang balikat n'ya "Hindi kayo nasira ng dahil sa eroplanong 'yon, Shin."

Sinalubong ni Shin ang tingin ko. "Hindi n'ya 'ko naaalala,"

Leo explained to me that Iro is not known as Shiroi Miyeru, but Eji Shibata. Inspector Eji Shibata. First, Iro's name is nowhere near Eji, and second, the Iro we all know would literally die just to be a professional musician, so why the hell is he a police officer now?

Natanggal ko nalang tuloy ang kamay ko sa balikat ni Shin. Lintik, hindi ko na alam ang dapat na sabihin. Paniguradong dagdag nanaman 'to sa iisipin ni Shin... At hindi ko pa nga nasasabi sakanya kung ano talagang pinunta ko dito.

New SoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon