Chapter 13: Opening Act

50 3 11
                                    

«Featured Song»
「One Good Reason」
By Hunter Hayes

Early November

Nashry's PoV

It is now the day of the music battle. Alas sais palang ng umaga, pero nandito na kaagad sa music room ng school ang mga kasali sa event at nagpa-practice.

Nandito na rin ako sa school ng ganito kaaga, dahil sumabay ako kay Damond papunta rito. May rehersals kase silang Random, para sa opening act nila. Kahit hindi sila kasama sa mga magtatapat mamaya, kasama naman sila sa magpe-perform, kaya kailangan din nilang maging maaga.

Yes, this is also the day when Damond was supposed to do his last performance as a Random member.

"Should we really do Warning by My First Story?" tanong ni Dex, ang drummer ng Random.

"Maybe we should replace the song, since it doesn't suit the event. We didn't want to do a rock song at this kind of event, right? This is clearly a war between the pros an cons of Sir Iwata being here. Playing a rock song feels like we're fueling the arguement. Maybe we should be at least like the eye of this storm?" sabi ni Felice.

"I agree, pero anong kanta naman ang babagay sa ganitong event? Ibang-iba 'to sa welcoming event na pinaghandaan natin" sabi naman ni Hiroi.

"Hayy, oo nga eh. Mukhang banned akong mag-hype ngayon. Maybe, a non-rock song will do" suggest ni Drei, ang bassist nila.

"Hoy, Diamond, hindi porket titiwalag ka na sa banda, wala ka nang ia-ambag dito?" reklamo ni Felice kay Damond na pa-cellphone-cellphone lang sa tabi ko, sabay hampas sa balikat nito.

"Aray! Naghahanap kaya ako dito sa cellphone," reklamo ni Damond. "At pwede ba, Damond 'yon, hindi Diamond" dugtong pa nito.

Nagbatokan ang dalawa, pero 'di nagtagal ay natahimik din sila, para mag-isip ulit.

Maya-maya ay biglang nag-angat ng ulo si Hiroi mula sa pagkakatungo n'ya. "Oh pa'no, dating gawi?" tanong nito.

"Ano pa nga ba?... Basta alisin sa pagpipilian 'yung mga hype" sagot nu Drei.

Magpos 'yon ay nagsisang-ayon na ang lahat.

Hindi ko na-gets kung anong sinasabi nila. Anong 'dating gawi' ang pinagsasasabi nila dyan?

"Teka, anong plano? Hindi ko gets" sabi ko sakanila. Mukhang ako lang kase ang hindi naka-gets, dahil lahat sila, nagsi-agree na.

"We will choose randomly. Lagi naman naming gawain 'yon, kapag hindi makapag-decide. After all, we named our band Random, and we're not it if we don't do it" page-explain ni Damond sa'kin.

Muling kinalikot ni Damond ang cellphone n'ya. Nakitingin ako, at nakitang gumagawa pala s'ya ng playlist ng mga kanta. Tumingin ako sa iba at nakitang sila Felice, Dex, Hiroi, at Drei rin ay nakadukdok din sa mga cellphone nila at mukhang gumagawa din ng playlist.

Unang natapos sa ginagawa si Drei, at maya-maya ay tumugtog ang isang punk rock song sa cellphone n'ya. "Hehe, sabi ko nga, reject lahat ng sa'kin. Wala kase akong ibang genreng pinapakinggan" sabi nito, at p-in-ause ang kanta.

New SoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon