Chapter 80: New Sound

5 2 3
                                    

«Featured Songs»
「Subtraction」
By: Survive Said the Prophet

「Shiawase」
By: back number

「Stay With Me」
By: back number

「Natsugasumi」
By: Atarayo

「I don't care」
By: Survive Said the Prophet

Samael Dawn's PoV

Ang lakas pa ng pag-cheer ng lahat, dahil do'n sa unang bandang nag-perform. Lakas din ng stage presence ng mga batang 'yon— kind of a performer type. They aren't afraid to rearrange songs to their style— very expressive. Unang beses ko palang silang napapanood, pero tumatak na sila sa'kin. Lakas ng dating ng kung paano nila i-present 'yung identity ng banda nila, it's like the next time I hear the word Random, I might first remember about them, before the actual definition.

Kinuha ko ang panda sa tabi ko at hinarap ito sa'kin. "The faculty is kind enough to reserve a seat for you." I said and press down the nose of this panda. 

Isn't this the same panda stuff toy that Zaka had months ago? I heard Eliz sew this leather jacket that it's currently wearing— iyon kase ang pinagkakaabalahan n'ya simula no'ng pag-hiatus namin— ang manahi. It was based on what Zaka was wearing during our show last year. She made it after hearing from the faculty that we, RH, have  5 reserved seats. Para raw may proxy si Zaka, dahil sayang naman ang seat n'ya. 

Nilaro-laro ko lang muna ang panda na 'yon sa kamay ko habang naghihintay sa pagse-set up ng banda ni Neu nang biglang agawin sa'kin ni Agape 'yon. "Ey, steal," Nawiwirdohan ko s'yang tinignan no'ng bigla n'yang hinagis sa ere 'yung panda. "3 points." Kumukulit nanaman 'tong isang 'to.

Nahagip ng mata ko ang pag-iling-iling ni Noah habang tumatawa ito. Si Eliz naman ay hinampas si Agape sa likod nito nang makita ang ginawa nito. "Aray." 

"Masisira 'yung damit." Hinila ni Eliz ang damit ni Agape para maupo ito, tapos kinuha n'ya ang panda sa kamay ni Agape. Inayos n'ya ang damit no'n.

"'Yung damit ko rin, Eliz," Reklamo ni Agape habang inaayos ang damit n'ya. "Grabe ka."

Binigay ulit saakin ni Eliz 'yung panda no'ng maayos n'ya na ang damit no'n. Saktong tapos na mag-setup ang banda ni Neu no'ng gawin n'ya 'yon, kaya inilapag ko na ulit sa reserved seat ni Zaka 'yon.

Sayang hindi mo sila mapapanood, Zaka.

Dinig ko ang konting pagbubulungan ng mga taga-media no'ng tawagin si Neu. Malamang ay pinaplano nanaman nila kung paano kukunan ng picture ang kambal, para may i-update tungkol kay Zaka. Sabi ng faculty na nakakwentuhan ko kanina, sa pictures lang sila pinayagan ng security. Nagre-request pa sana 'yung mga 'yon ng interview doon sa kambal, kay Yuki at kay Nashry, kahit sa isang maliit na bakanteng practice room daw, pero hindi sila pumayag, dahil no'ng nagtanong sila, ayaw din naman nila Iro, ni Ran, tsaka no'ng kambal.

Kami naman sa RH at Gassho ay mariin na'ng tumanggi sa gate palang. Hangga't maaari, gusto naming masulit ang event na 'to na'ng hindi iniintindi 'yung issue na kinukulit sa'min ng media. Nakakasira kase ng mood.

Neu's band, Three-Part Silence start off with a cover of Gassho's song 'Happiness.'  Neu had his electric guitar for the song and the original lead guitar part was played with a violin. The sound of  Touma's piano creates a broader sound that blends well with Neu's rhythm. Touma even have a very tricky arpeggio in the second verse of the song. These guys are creative. I can hear the intricacies of their arrangement.

New SoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon