Chapter 28: With Great Ears

38 3 0
                                    

Felice Garcia's PoV

"Felice, can you help us?" Nashry asked after the audition that day.

Wala naman ako masyadong gagawin, dahil wala naman kaming practice ng Random ngayon. "Sure" Pumayag na rin ako. I might as well use my knowledge on piano to help them.

The audition will last until next week every after class, so I need to go there every afterclass as well.

Tomorrow, lunch time, I decided na kumain sa cafeteria. Hindi kase ako kadalasan sa cafeteria kumakain. Palagi akong may baong lunch at kumakain ako sa may grassfield kung saan merong mga benches na pwede mong pwestuhan. Gusto ko doon, kase mahangin, kaya lang, mukhang ngayon, occupied lahat ng benches doon, kaya sa cafeteria ko nalang naisip kumain.

But then, wala rin akong table bakanteng naabutan.

What? Saan na ako kakain nito?

Gusto ko sanang sa room nalang kumain, kaya lang, malayo 'yung building namin ngayon dito sa cafeteria. Nakakapagod maglakad.

Lumingon-lingon ako sa paligid. Hindi talaga ako makahanap ng spot.

May nakita akong mga classmates kong lalaki na mukhang naghahanap din ng pwedeng spot na makakainan. Bitbit din kase nila ang mga lunch box nila. "Hello, naghahanap rin kayo ng pwesto para kumain?" friendly na tanong ko sakanila. Tinanong ko na rin para sigurado. Isa pa, hindi ko rin naman sila ka-close.

"Ah oo, babalik nalang siguro kami sa room. Doon nalang kami kakain" sagot ng matangkad sakanila.

"Oo, doon sana kami sa rooftop nitong building ng mga orchestral instrument students, kaso..." paliwanag naman ng pinakamaliit sakanila. He seemed disappointed, but still he pointed kung saan 'yung building na tinutukoy n'ya.

"Wait, may pwesto pa ba doon sa rooftop?" I asked. Tamang-tama, masarap din ang hangin sa rooftop.

"M-Meron, pero... kaya hindi kami tumuloy kase nandoon si-" Hindi ko na pinatapos 'yung sinasabi ng isa pa nilang barkada, at tumakbo na kaagad papunta sa building na tinutukoy nila.

"Salamat ah, doon nalang ako. Bye" Wala na muna akong pakeelam kung sino ang nandoon. Kakain lang naman ako eh. Tsaka, kailangan kong matapos ng maaga kumain ngayon. Hindi ko pa tapos 'yung assignment ko sa Music Theory.

Patakbo akong umakyat sa hagdan hanggang sa makarating ako sa rooftop. Pagdating ko doon ay halos 'di na ako makahinga sa hingal. "Haa... bakit ba kase... walang mapwestohan sa baba eh..." reklamo ko habang hinahabol parin ang hininga ko.

'Paglingon ko sa paligid, wala namang tao eh. Akala ko pa naman, may tao dito.

Sinulyapan ko ang relo ko at napansin kong 30 minutes na pala ang masayang ko sa kakahanap ko ng spot para kumain. Walang 'ya, 30 minutes nalang din ang natitira sa'kin para kumain at gumawa ng assignment.

"Arrrg, asar! Bakit ngayon pa kase, walang mapwestuhan eh"

"Can you please keep it down, D-pitch girl?"

Napalingon ako sa likod ko no'ng may narinig akong nagsalita mula roon.

Ako ba ang tinutukoy n'ya?

Anong tinawag n'ya sa'kin, D.... pitch girl?

When I turned around I saw a guy with a bit curly hair sitting on the floor of this rooftop, who's comfortably eating a long bread.

New SoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon