Nashry's PoV
Ngayon, ang sadya lang ng lahat ng grade 11 students ay ang magpunta sa registrar's office at kunin ang schedule namin for our subjects this grading period, at kung saan ang magiging room namin sa mga 'yon. Doon na rin nakalagay kung anong magiging section namin. Well, hopefully, maging kaklase ko si Damond or si Hiroi kahit sa iilang subject lang.
Ayon sa nalaman namin, mula kay kuya Samael, from this point daw, we will be divided according to our instrumentation, and all of the subjects from this point, will be purely about music. Ang sabi pa nga n'ya:
"Kokonti 'yung mga subjects n'yo. Mas konti pa sa nae-encounter n'yo no'ng lower grade kayo, pero napakadami n'yong gagawin"
Medyo kinakabahan tuloy ako. Ultimo building kase na gagamitin namin ay bago rin. Newly built building s'ya na para saaming may instrumentation na.
Pumila na ako sa registrar at naghintay na. Sila Damond at Emi, eh mamaya na daw hapon, kaya ayun, nakatambay muna sila sa music room at nagpa-practice.
Ang tagal ko ring naghintay sa pila, bago ko nakuha 'yung schedule ko.
Nashry D. Miyeru
Grade 11 G-3C
Instrumentation: GuitarSubjects:
Comercial Music I
Music History I
Music Theory and Composition I (Grade 6)
Repertoire
Jazz Studies IMukhang totoo nga 'yung sinabi ni kuya Samael. Lilima lang 'yung subjects ko, pero pakiramdam ko hindi basta-basta 'tong mga 'to.
Naupo muna ako sa gilid at tinabi ko muna sa bag 'yung schedule ko, tapos ay tinignan 'yung cellphone ko. Nilagay ko sa wallpaper 'yung picture namin kahapon kasama si kuya Samael.
Sa totoo lang, si kuya Samael talaga ang nag-request na mag-picture kami, dahil natuwa s'yang makakita ng kagaya n'yang nag-aral din sa Gassho high.
May isa s'yang sinabi saamin na dapat naming abangan ngayong may instrumentation na kami. Sometime before Battle of the Bands, meron daw kaming mae-encounter na Master Class, at 'yun ang talagang kinae-excite ko ngayon.
"Malay n'yo, ang mag-master class sainyo, si Zaka, o kung sino mang sikat na pwede mong ma-imagine... Pwede ring... ako"
Kung pwede nga lang, si kuya Samael nalang, kaya lang, hindi naman ako piano major, so baka hindi s'ya saamin mag-master class.
Matapos 'yon, pinuntahan ko na 'yung dalawa sa music room.
Malapit palang ako doon ay nadatnan ko na si Damond na tumatakbo papunta sa direksyon ko. "Bakit-" Itatanong ko palang sana kung bakit s'ya tumatakbo ay bigla n'ya nang hinablot ang wrist ko at hinila pasunod saknya, kaya napatakbo na rin ako. "Mamaya ko na ipapaliwanag. Bukas ko na rin kukunin 'yung schedule ko. Sa ngayon, kailangan muna nating umuwi" sabi n'ya pa habang tumatakbo kami.
Hindi ko maintindihan kung bakit namin kailangang gawin 'to, pero sa nakikita ko kay Damond, mukha namang hindi naman masamang bagay ang dahilan nang pagtakbo naming 'to, dahil natatawa-tawa s'ya habang ginagawa namin 'yon.
"Sila 'yung nasa post ni Samael, 'di ba?"
"Friends pala sila ni Samael?"
"As in Samael ng RH?"
Nang marinig ko na ang mga sinasabi ng mga nasa paligid namin ay mukhang alam ko na kung bakit.
BINABASA MO ANG
New Sound
General FictionMusic school students has to look back on the events 17 years ago to uncover the truth of the fire accident that killed their beloved teacher. Date Started: May 3, 2015 Date Finished: October 23, 2024. Added Additional Scenes: November 6, 2024 Note:...