After a few days, Luke's was assess for possible charges. An obstruction of justice was one of the angles that had been considered, but in the court, the judge dropped it. Luke almost lost all his hope the day he was informed of his possible charges, so hearing the judge decision felt like a dream to him. It's almost surreal that, he keep his head down even after being informed that it was dropped. When that finally sink in, he was outside the court, getting hit by the sun rays, and for the first time in 10 months, he thought that those rays felt comfortably warm. Perhaps its not just the warmth from the sun, but also the warmth of the people who fought for him until that moment. The warmth of the judge's decision. The warmth of realizing that hope still exist for someone like him.
He is free. Finally. Ilang linggo n'yang in-appreciate ang buhay n'ya pagktapos ng lahat ng 'yon. Binisita ang studio na pinag-ipunan n'ya ng ilang taon. Nilinis ng maigi ang bawat sulok, at inayos ang mga nasira roon, dahil sa tagal n'yang nawala, at wala s'yang napagbilinan na pangalagaan nito. Tahimik lang. 'Yun na muna ang gusto n'ya. Medyo malungkot, dahil maingay pa rin ang media, dahil sa pagkakakulong ni Zaka. Pinagpaliban n'ya na rin muna na makipagkita sa mga kaibigan, at tahimik na bumabalik ulit sa dati n'yang buhay habang hinihintay na humupa ang lahat.
Meron na s'yang sariling bahay. Maliit lang. Sapat na para sa isang tao. Wala rin naman s'yang asawa't anak, dahil ang paniniwala n'ya ay dapat ayusin n'ya na muna ang buhay n'ya, bago 'yung mga bagay na 'yon. Mahirap na silang madamay. Nitong mga nakaraang araw, inayos n'ya lang ang resume n'ya, habang sa hapon ay pumupunta s'ya sa studio n'ya para maglinis do'n, at iayos ang mga gamit. Mula sa mga putol na strings ng mga gitara, mga sirang ilaw, mga alikabok sa sahig, sa mesa, hanggang sa mga sirang wires at speakers. Ang huling naging trabaho n'ya bago mangyari ang gulo sa arson case ay full time factory worker sa weekdays, tapos part-time barista sa weekends. Tumatanggap din s'ya ng mga singer na kino-komisyon s'ya para nagpapagawa ng kanta. Kilala rin kase s'ya sa indie music scene bilang isang songwriter/composer na si Click-L. Sa madaling-araw n'ya ginagawa ang mga 'yon sa band studio n'ya. Bihira lang ang nakakapag-rent sa studio n'ya, dahil binubuksan n'ya lang 'yon tuwing madaling-araw kung kailan s'ya pwedeng mag-asikaso. Iyon ang buhay n'ya bago mangyari ang lahat.
Ngayong araw ay naglinis lang din s'ya sa bahay n'ya, nag-restock ng pagkain at nagtapon ng mga gamit. Nailabas n'ya pa ang isang photo album sa kalagitnaan ng paglilinis n'ya. Nandoon ang mga litrato pa n'ya mula highschool hanggang magkolehiyo ito. "Pff, mukha pa talaga akong sira ulo dati." naikomento n'ya nalang ng pagbuklat n'ya ng sunod-sunod page roon ay bumungad sakanya ang mga group photos n'ya kasama ang RH at lahat iyon ay lagi s'yang may sugat sa mukha. Sumunod do'n ang mga litrato n'ya naman kasama ang buong Gassho at gano'n din ulit ang itsura n'ya. Napatawa pa s'ya ng mahina ng makita ito habang napapiling-iling.
Aminado naman s'yang hindi maganda ang nakagawian n'ya no'ng highschool s'ya, dahil noon, madalas s'yang mapaaway. Mahilig s'ya dating bumarkada sa mga pareho n'yang gano'n din ang hilig. Madalas napapahamak, pero matagal bago s'ya nagtanda. Basagulero, sa madaling salita. Nagsimula lang s'yang sumubok na umalis sa gano'ng gawi no'ng nadiskubre ni Samael ang talent n'ya sa pagkanta, isang araw sa rooftop ng dating Gassho High, nang mahuli s'ya nitong kumakanta habang nakasuot ang headset n'ya sa tenga. Wala pa si Zaka noon sa banda nila, kaya noon ay ni-recruit s'ya ni Samael para maging vocalist nila. Ilang buwan din s'ya noon kasama ng mga RH members, hanggang sa napalitan din s'ya, dahil sa mga gulo na laging nabibitbit n'ya dala no'ng dati n'yang barkada.
Nang matapos s'yang maglinis ng bahay ay pagabi na. Nanood nalang s'ya ng TV habang nakahiga sa sofa.
"Samael sir, bilang leader ng RH, pwede po bang malaman kung ano nang susunod na hakbang n'yo bilang isang banda, matapos ang kaso ni sir Matsumoto."
BINABASA MO ANG
New Sound
General FictionMusic school students has to look back on the events 17 years ago to uncover the truth of the fire accident that killed their beloved teacher. Date Started: May 3, 2015 Date Finished: October 23, 2024. Added Additional Scenes: November 6, 2024 Note:...