---"Sunog, sunog!"
Kumaripas ako ng takbo patungo sa bahay namin na napapalibutan na ng apoy.
"Mama?! Ma!" paiyak na ako habang tinatawag ang nanay ko. Dire-diretso akong nagtungo sa loob nang hindi pinapansin ang bawat usok.
"Kaia! 'Wag ka nang tumuloy d'yan!" rinig ko pang sigaw ng mga kapitbahay namin.
Galing ako ng school at ito na ang sumalubong sa akin pag-uwi. Wala si papa dahil nasa trabaho, ang mga ate ko naman, may kaniya-kaniya ring pasok. Kaya si mama lang talaga ang naiwan rito. Hindi ko alam ang gagawin ko.
Nakita ko si mama, nakakapit sa isang kahoy, agad ko siyang nilapitan. Palabas na kami nang bigla siyang matumba, hindi kinakaya ang usok.
"Kara!" saktong pagdating ni papa. Agad niya akong tinulungan at binuhat si mama papalabas.
Pagkalabas namin, saka lang dumating ang mga bumbero at ambulansya. Wala nang malay si mama, kaya agad siyang dinala sa ospital.
"Kaia, maiwan ka dito, hintayin mo ang mga ate mo at hintayin mong humupa ang apoy sa buong bahay. 'Wag na 'wag kang papasok ulit diyan!" bilin ni papa. Tumango na lang ako, hindi pa rin maintindihan ang mga nangyayari.
Mga ilang minuto ang nakalipas, humupa na ang apoy pero madami pa ring usok. Nakatulala lang ako, nanginginig, hindi ko alam ang gagawin ko.
"Kaia! Ayos ka lang ba?" biglang dumating si Jess at tumakbo sa'kin, hinawakan ang kamay ko.
"Buti na lang, naiwan mo 'tong wallet mo at napuntahan ka namin dito! Anong nangyari?!" tarantang tanong naman ni Van.
Hindi ako nakasagot at tuloy lang sa panginginig.
"Kaia.." tawag sa'kin ni Jess. Tinanggal niya ang salamin ko at pinunasan niya ang pisngi ko, hindi ko namalayang umiiyak na pala ako.
"Y-yung bahay namin.." tanging banggit ko.
Niyakap ako ni Van at umiyak lang ako sa balikat niya.
Hanggang sa nawala na ang apoy at usok na pumaligid sa buong bahay kanina. Agad akong dumiretso papasok at inalalayan lang ako ni Jess at Van.
Dumiretso ako sa kwarto nila mama at papa at naghanap ng mga gamit na maisasalba. Halos lahat ng damit, wala na. Tatatlong tshirt lang ni mama ang nakuha ko. Wala akong naisalbang damit ni papa.
Sunod naman akong pumunta sa kwarto namin ng ate ko. Iisang dress na lang ang nakuha ko, pati ang mga underwear ko, wala na. Kakaonti lang ang mga damit ko kaya expected ko nang walang matitira, sinwerte pa 'ko sa isang dress na 'to.
Kinuha ko ang favorite kong teddy bear, umiyak ako at niyakap ito kahit puno na ng abo. This is my favorite teddy bear, bigay ito ng batang nakilala ko sa hospital noon nung nagkasakit ako. I've always keep it safe in case makita ko ulit 'yung batang 'yon pero wala.
Even the handwritten letters na bigay ng mga friends ko, nasunog. I'm a keeper, kaya sobrang sakit nito para sa'kin. Mas lalo akong natuliro nang maalala ko ang mga libro ko. At lalo akong nadurog nang makita kong natamaan ng apoy lahat, maliban lang sa isa.
Niyakap ako ni Van because they know how much I love my books. Hindi ako basta-bastang nagpapahiram sa sobrang protective ko sa mga libro ko. Kalahati pa lang sa mga 'to ang nabasa ko and yet this is what happened. Pinag-ipunan ko pa ang mga 'to.
I cried silently for a few minutes. Sinamahan lang ako ni Van at Jess, ni wala isa sa amin ang nagsasalita. Nakita kong umiiyak na rin si Van, habang si Jess ay hindi ko na nakita dahil sa balikat niya ako umiiyak habang nakaakbay siya sa'kin.
BINABASA MO ANG
Dreams Rewritten
FantasyKaia has been grateful with her life. Kahit mahirap, masaya siya sa buhay na tinatamasa niya. Kinaya niya at ng pamilya niya ang mga trahedyang dumaan. Hindi siya humiling ng kung ano-ano but there's one time when she's in deep pain. For once, she w...