Chapter 11

1 0 0
                                    

---

Ilang araw na ang nakalipas, ilang linggo na lang rin at magpapasukan na. Patuloy lang ang panliligaw sa'kin ni Noah. Hindi ko pa ito pinapaalam kahit na kanino, gusto ko sanang ikwento ito kay Isha kaya lang ay ilang araw ko na siyang hindi ma-contact.

Sinabi ni Noah na gusto niyang magpakilala sa pamilya ko bilang manliligaw. I said, 'wag muna, naintindihan niya naman ito.

Kaya lang pakiramdam ko ay itinatago ko siya. Kahit sa trabaho ay sinabihan ko siya na 'wag masyadong magpahalata dahil ayaw kong pangunahan ako nila Jess at Van.

"Hi, Kaia." nakangiting bungad sa akin ni Aiden habang nasa trabaho ako, ngayon na lang ulit siya nagpakita.

"Sorry, ngayon lang ulit ako nakadalaw, naging busy kasi sa pagtulong kanila Mommy. Actually, dumaan lang talaga ako rito para kumustahin ka, hindi mo na kasi ako nireplayan." nahihiyang sabi pa niya.

Naramdaman ko kaagad ang titig ni Noah sa aming dalawa. At parang mas nakafocus pa siya sa sinasabi ni Aiden kaysa sa ginagawa niya.

"Sorry, Aiden, wala rin kasi akong masyadong time." narinig ko ang mahinang tawa ni Noah, sinamaan ko naman siya ng tingin.

"That's alright. Anyway, kailan ka pwede? May inihanda kasi ako para sa'yo." saad ulit ni Aiden.

Nakita ko si Van na nakamasid sa amin, nag-iwas siya ng tingin nang mapatingin ako sa kaniya.

"Aiden, sorry talaga pero busy kasi ako." sabi ko.

Mahinahon siyang tumango at pilit na ngumiti. Tumalikod siya at lumapit kay Vanessa. Nakita ko pang may sinabi ito, tumango si Vanessa at sinundan niya si Aiden nang lumabas ito ng bakeshop.

"Harsh mo naman mang-reject." saad ni Noah, nang-aasar.

"Ah, talaga? Gusto mo pabalikin ko 'yon dito?" pang-aasar ko rin.

"Huwag po." saad niya, umaktong takot, natawa na lang ako.

Nag-lunch kami kasama si Jess. As usual, apat kami kasama si Van pero hanggang ngayon ay hindi pa ito bumabalik. Tinanong ako ni Jess kung nasaan si Van, hindi ko naman siya masagot dahil hindi ko rin alam.

Buong araw lang kaming nagtrabaho. Last na nga rin pala namin ito dahil uuwi na ang parents ni Van. At gusto ni tita Valerie ay mag-advance study na lang kami for college. Nakaipon naman ako ng pera sa mga kinita ko rito kaya ayos na rin.

Inihatid ulit ako ni Noah pauwi. Puro lang ulit siya kwento habang naglalakad kami. He would say such random things, para lang may mapag-usapan kami.

Pagkarating sa bahay ay sinalubong kami ni Lia sa labas.

"Kuya Noah!" excited na sabi niya pa at niyakap si Noah.

"Kumusta ang baby ko?" nakangiting tanong ni Noah habang yakap yakap si Lia.

Baby raw, sana ako rin.

I giggled with that thought. Ang ending, hindi na pinauwi ni Lia si Noah. Inimbita niya pa ito sa loob ng bahay, wala naman na itong nagawa.

"Mama?" tawag ko kay mama pagkapasok ng bahay.

"Mama, si Noah po." pagpapakilala ko kay Noah sa kaniya.

Dreams RewrittenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon