Chapter 6

7 0 0
                                    

---

Halos tatlong araw ko nang iniiwasan si Noah at hindi ko alam kung itutuloy ko pa ba ang pag-iwas sa kaniya.

These past few days, inabala ko ang sarili ko sa pagtatrabaho sa bakeshop nila Van. Hindi na rin naman ako kinulit ni Noah, ang last na chat niya sa'kin ay nung unang araw pa ng pag-iwas ko sa kaniya.

I won't lie, I miss him. I miss his presence and I hate the way I'm feeling this. Hindi ko ma-explain. Gusto ko na ba siya o ano?

"Isha." I called her through the video call. This feeling bothers me a lot. I don't know what to do.

"Anong problema? May nangyari ba?" she asked nang mapansing matamlay ang boses ko.

"Namimiss ko siya." pag-amin ko sa kaniya.

"Oh? Bakit hindi mo sa kaniya sabihin 'yan?" she said then laughed.

"Hindi niya na rin ako kinukulit, eh." nakangusong saad ko sa kaniya.

"Eh, 'yan naman ang gusto mo, 'di ba? Parang nung isang gabi lang, ang sweet sweet niyo pa tapos bigla mo na lang siyang ghinost, without any explanation, s'yempre mahuhurt 'yon." pagpapaliwanag niya.

"Masakit rin naman sa'kin pero kailangan." I sighed.

"Sige nga, bakit kailangan?" she asked.

"Kasi natatakot ako, Isha. Natatakot akong ma-fall sa kaniya." sagot ko.

"Ay, hindi ka pa na-fall sa lagay na 'yan?" she sarcastically asked, natahimik naman ako.

"Listen, Kaia. I understand you. Hindi maganda ang mga naging past mo. But that's all from the past. You shouldn't let your past control your present." paalala niya, hindi pa rin ako sumagot.

"I get it. Kahit ako natatakot na masaktan ka ulit. Ayoko nang makitang umiiyak ka na naman dahil lang sa lalaki. But if he makes you happy, then why would I interfere? Magiging masakit talaga sa dulo kasi nagmahal ka. But the important thing is, at least, naging masaya ka. Masakit nga pero naranasan mong sumaya sa kaniya." mahabang sabi niya.

"Pero, Isha.. paano kung hindi ko kayanin 'yung sakit?" tanong ko ulit sa kaniya.

"Edi humingi ka ng tulong sa'kin. Tutulungan kita para makaya mo 'yung sakit. At saka, sa dulo pa naman 'yon, ang importante ay 'yung ngayon." she said, I smiled at her.

"Thank you, Isha. Siguro nga, 'di ako dapat mag-overthink. It's either I would take the risk or I will live with regrets." I said.

Nagpasalamat ulit ako sa kaniya, at nagpaalam na siya dahil marami raw siyang tinatapos, hindi niya sinabi kung ano. Sinigurado niyang okay na 'ko bago niya binaba ang tawag.

I decided to message him tonight. Gusto ko na siyang makausap ulit.

I sent him a simple 'hi'. Hindi siya online pero nagbabaka sakali ako na makapagreply siya kaagad.

A few minutes later, wala pa rin. I assumed na baka tulog na siya, kaya natulog na lang rin ako. Bukas siguro, rereplayan niya ako.

Pagkagising ko kinabukasan, ang una kong ginawa ay binuksan ang cellphone ko para tignan kung may reply na siya.

Sineen niya lang ako. Na-seen niya kaninang madaling araw pa. He didn't respond.

Dreams RewrittenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon