---
Naglalakad kami ngayon sa dilim. Pinapayungan niya ako habang hawak-hawak nang marahan ang kamay ko. Hindi ko alam kung saan kami pupunta, sinasabayan ko lang ang lakad niya. I'm too tired to even ask, I just let him.
At some point, hindi na gaanong mabigat ang pakiramdam ko ngayong narito siya sa tabi ko.
Nakarating kami sa 7/11 at bumili siya ng ice cream para sa amin. He even got my favorite flavor.
"Tara na, baka matunaw 'tong ice cream." he said pagkalabas namin sa convenient store.
Gusto ko sana siyang tanungin kung saan kami pupunta pero hindi ko magawa. Hindi pa rin tumitila ang ulan at kita kong medyo nababasa ang balikat niya habang ako naman ay walang nararamdaman ni isang patak ng ulan.
Nakarating kami sa isang park. May malapit na silungan rito kaya doon kami kaagad dumiretso. Umupo ako sa upuan habang tinutupi niya ang payong. After that, he sat beside me.
"Wanna tell me what happened?" marahang tanong niya habang binubuksan ang ice cream.
I thought he opened it for him but instead, he gave it to me.
Kinuha ko ang ice cream. "Nakakapagod sa bahay." matamlay na sabi ko sa kaniya.
Hindi siya nagsalita, nakatingin lang siya sa'kin. Kinuha niya ang ice cream niya at hinayaan akong magkwento.
"It's just that.. home doesn't feel like home." I said while holding back my tears.
"Ang hirap maging mahirap. Noong bata ako, ayos pa, kasi ang importante masaya kami." patuloy ko habang nakatingin sa malayo.
"But the more I grew up the more life becomes tough. Mahirap kami. Kaya lahat kaming magkakapatid, kailangang makapagtrabaho para makaahon man lang sa kahirapan. At dahil sa pagtatrabaho, wala nang oras para sa pamilya. Kaming magkakapatid, hindi na namin naaabutan ang isa't isa sa bahay. Tapos naguguilty ako kasi pakiramdam ko napapabayaan ko si mama dahil sa trabaho ko." pagkkwento ko.
"At habang nagtatrabaho kami? Walang inatupag si papa kung 'di ang bisyo niya. Alak at sigarilyo na lang ang palagi niyang kasama. At first, it was alright for me. But not this time, nakakasakit na siya." sabi ko.
"Was that the reason why you have a wound on your finger?" he asked, pointing at my finger, napatingin rin ako rito.
Hindi pa pala masyadong malinis ang sugat, hindi ko naman kasi talaga nilinisan, pinunasan ko lang. Pansin pa rin ang pagdudugo nito.
Kinuha niya ang kamay ko at naglabas ng panyo.
"I'm sorry, I didn't notice it earlier. Bumili sana tayo ng band-aid kanina." he said habang tinatapalan ng panyo ang sugat ko.
"It's alright. Hindi naman kumikirot." sabi ko sa kaniya.
"Can you continue your story?" he asked, I sighed.
"Ayon nga. I miss my family. I miss how we used to be. I miss my father. Alam mo ba? Siya ang palagi kong kakampi dati. Si mama ang best friend ko noon pero si papa ang partner in crime ko." pagtuloy ko sa kwento ko.
"Madalas na silang mag-away noon pero sinisigurado niyang hindi ako maaapektuhan. I was still affected, though." I chuckled a little.
"Ang liit liit naman kasi ng bahay. Kaya kahit lumayo sila nang lumayo para mag-away, rinig na rinig naming magkakapatid. Sometimes, ate Kelly would cover my ears, siya rin ang nagturo sa'kin na sa ganoong sitwasyon, dapat ko ngang takpan ang tenga ko." I said, reminiscing about that moment.
"I love my father so much. But I wouldn't want to be with someone like him." sabi ko.
"He's so good as a father but not as a husband to my mother. And it sucks. It kills me, not knowing what should I feel about it. Should I be grateful that he's my father? Or should I be disgusted by the fact that my mother married someone like him?" I said.
BINABASA MO ANG
Dreams Rewritten
FantasyKaia has been grateful with her life. Kahit mahirap, masaya siya sa buhay na tinatamasa niya. Kinaya niya at ng pamilya niya ang mga trahedyang dumaan. Hindi siya humiling ng kung ano-ano but there's one time when she's in deep pain. For once, she w...