---
"Bwiset! Bwiset! Bwiset!" pag-uulit ko sa sobrang pagkairita ko.
"Bakit ba? Kanina ka pa tahimik diyan. Ngayon ka lang nagsalita, galit ka pa." sabi ni Van.
Nakalimutan kong kasama ko nga pala sila ulit pagkatapos kong mag-enroll. Naririnig kong nagkukuwento si Jess pero hindi ko maintindihan kasi iritang-irita ako na nakasabay ko siya kanina sa pag-eenroll.
"BS Psychology rin kinuha niya!" reklamo ko na parang maiiyak na sa inis.
"Sino ba?!" tanong ni Jess. Hindi ko nga pala nakuwento sa kanila ang lalaking 'yon.
"H-hindi ko alam.." sagot ko. Totoo, hanggang ngayon, hindi ko alam ang pangalan niya. Kilala ko lang siya sa mukha at sa kayabangan niya. Hindi ko siya tinanong kanina dahil siguradong mag-aassume lang siya.
"Baliw ka ba?" tanong ni Van, nagtataka.
"Hindi ko alam ang pangalan niya basta ang alam ko ay nakakairita siya." iritableng sagot ko.
"Sige, guess the name tayo." pauso ni Jess. "Lalaki ba?" tanong niya, tumango lang ako.
"Madalas sa mga gagong lalaki 4 letters sa name." sabi ni Van.
"John, Mark, Paul, Neil, o Chad?" paglahad ni Jess ng mga pangalan, minura namin siya ni Van, tumawa lang siya.
Paano, lahat ng name na binanggit niya, either ex, naka-situationship, o nanligaw sa amin ni Van.
"Pero, bakit ka nga naiinis do'n sa lalaking tinutukoy mo?" tanong ni Van.
Napatanong rin ako sa sarili ko. Bakit nga ba? Dahil pinalabhan niya sa'kin 'yung panyo niya? Hindi eh, ang babaw no'n, 'di naman ako basta-basta naiinis sa gano'n. Dahil ba nakita niya akong umiyak? Siguro, pero pinagaan niya naman ang loob ko no'n. Dahil ba hindi na siya nagparamdam? Baka nga, pinalabhan niya sa'kin 'yung panyo niya tapos hindi niya na binalikan. O baka dahil rin pogi siya?
Umiling-iling ako sa naisip ko. "No, yuck." I said with a disgusted face.
"Tanga, anong no?" takang tanong na naman ni Van.
"Ewan ko! Mortal na kaaway ko siguro siya nung past life ko kaya iritang irita ako sa kaniya!" sagot ko.
"Baka enemies to lovers kayo." singit ni Jess.
"Yuck. Naririnig mo ba sinasabi mo?" pandidiri ko, she just laughed.
"Eh, kasi naman! Usually, kapag naiirita ka sa isang tao, nilalait mo kaagad, lalo na kung may ginawang kalokohan sa'yo. Bakit parang wala kaming naririnig na lait bukod sa 'nakakairita siya'?" sabi niya, napaisip rin ako.
"Eh, s'yempre. Hindi ko naman siya gano'n kakilala. Ni hindi ko nga alam ang name niya. Nakaka-guilty naman kung lalaitin ko siya." pagdepensa ko.
"Eh, bakit 'yung nakaaway ni Van? 'Di mo rin naman gano'n kakilala pero todo lait ka. Ikaw pa nangunguna sa panglalait do'n." sagot na naman ni Jess.
"S'yempre nakaaway ni Van 'yon! Ikaw ba, 'di ka galit do'n sa tarantadong 'yon. Parang gago, sinugod-sugod si Van dahil lang nilalandi siya nung boyfriend niya, eh sinumbong naman ni Van 'yon sa kaniya tapos tinataboy niya 'yung guy tapos ang ending si Van pa pinagmukha nilang masama!" mahabang paliwanag ko. Naaalala ko na naman tuloy 'yung babaeng 'yon, nakakairita rin 'yon eh.
BINABASA MO ANG
Dreams Rewritten
FantasyKaia has been grateful with her life. Kahit mahirap, masaya siya sa buhay na tinatamasa niya. Kinaya niya at ng pamilya niya ang mga trahedyang dumaan. Hindi siya humiling ng kung ano-ano but there's one time when she's in deep pain. For once, she w...