Chapter 12

5 0 0
                                    

---

"Kuya Noah!" excited na salubong ni Lia kay Noah.

Sunday ngayon at tuloy nga ang church date naming apat kasama si mama. Sinundo kami ni Noah para sabay-sabay kaming pumunta sa simbahan.

"How's my baby?" ngiting saad ni Noah at binuhat pa si Lia.

"Maka-baby ka naman, mageeight years old na 'yan." singit ko sa kanila.

Tinarayan ako ni Lia. At lumapit sa tenga ni Noah para bumulong rito habang nakatingin sa'kin. Natawa naman si Noah na ikinataas ng kilay ko.

"Ikaw, Lia, masyado kang nagpapaspoil kay Noah, ha." saad ko, nginusuan niya ako.

"Hayaan mo na, sanay na ako. Ganitong ganito rin ang kapatid ko noon." nakangiting sabi niya habang nakatingin kay Lia.

"Oh, nariyan na pala si Noah. Tara na at baka mahuli pa tayo sa misa." sabi ni mama.

Iniayos ko ang glasses ko at sinabihan ang dalawa. Ibinaba ni Noah si Lia dahil pinaglakad ko ito.

Naalala ko si papa. Ganito rin kami noon. Every Sunday kaming nagsisimba, buong pamilya. Palagi niya rin akong binubuhat tapos pagsasabihan siya ni mama na ibaba ako para maglakad.

Naramdaman ko ang paghawak ni Noah sa kamay ko. "Are you alright?" tanong niya.

Ngiti lang isinagot ko sa kaniya at nagpatuloy kami sa paglalakad.

Wala akong idea kung nasaan si papa ngayon. Pagkagising ko kaninang umaga ay wala siya, naglasing na naman siguro kagabi. Si Ate Keira ay tulog sa kwarto namin, hindi ko na ginising dahil pagod 'yon sa trabaho. Si Ate Kelly naman ay hindi rin umuwi kagabi.

Pagkarating sa simbahan, tahimik lang kami buong misa. Kahit si Lia ay hindi naglilikot at tahimik na nagdarasal.

Pagkatapos ng misa ay bumili kami ng rosaryo. Umuwi na si mama dahil ayaw niya nang mapagod pa.

"Noah, ingatan mo ang dalawa kong prinsesa, ha. Mauna na ako." saad ni mama kay Noah bago ito umuwi.

"Makakaasa po kayo, tita." nakangiting sagot ni Noah.

Lumapit si Noah sa'kin at inabot sa'kin ang hello kitty na keychain.

"Ano 'to? 'Di ako mahilig sa hello kitty." saad ko.

"Oo, kasi ako ang mahilig diyan." he chuckled.

"What? You love hello kitty?" natatawang tanong ko sa kaniya.

"Kaia, nagpunta ka na ba rito nung bata ka?" he suddenly asked.

"Dito kami palaging nagsisimba nung bata ako. Bakit mo natanong?" saad ko.

Natulala naman siya. Parang nagulat sa sinabi ko. Kumunot naman ang noo ko.

"Nakapulot ka ba ng something rito sa simbahan na 'to dati nung bata ka?" tanong niya.

Napaisip naman ako. At naalala ko nang may mapulot akong hello kitty sa labas ng simbahan na 'to.


"Kuya Noah! Bili tayong ice cream!" baling ni Lia kay Noah at hinila ito.

Hindi ko nasagot si Noah dahil sumingit bigla si Lia.

"Lia, huwag kang masyadong hingi nang hingi kay kuya Noah mo, ha." suway ko, hindi ako pinansin ng dalawa.

Dreams RewrittenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon