---
Hindi ko siya pinansin at nagkunwari akong walang narinig, wala naman na siyang sinabi.
Sinamahan niya lang ako. Since nasa mall na kami, nag-ikot ikot na rin kami.
"Daan tayong watsons, okay lang?" tanong niya, um-oo naman ako.
Pumasok kami sa watsons, one thing about him; he's so different and unpredictable.
"Nag-siskin care ka?" tanong ko sa kaniya nang dumiretso siya sa may skin care products.
"Minsan." simpleng sagot niya.
"'Di ka ba talaga babae? Daig mo pa ako, eh." I said, he laughed.
"Bonding rin kasi namin 'to ng kapatid ko. Nagpabili siya sa'kin nito one time tapos pinilit niya akong gumamit din. Pumogi ako kaya nagustuhan ko, ginawa kong habit, pero minsan lang talaga, kapag may pambili saka kapag 'di nakakatamad." mahabang sabi niya.
"Or pag may pinopormahan." dagdag niya, sabay ngiti at tingin sa'kin, kumunot lang ang noo ko.
"May kapatid ka?" pag-iba ko ng usapan.
"Yes, she's 2 or 3 years younger than me, I'm not sure." he said and he shrugged.
"Kuya ka pala, 'di halata." pang-aasar ko na naman, tinawanan niya lang ako.
"Hey, I still have money, do you want something?" tanong niya sa'kin.
"Sugar daddy yarn?" pang-aasar ko ulit.
"I just want to buy things for you that can make you happy." he simply said.
'Di ko lang pinahalata but what he said touches my heart. It's like a butterflies in my stomach, natulala tuloy ako.
"Pero bayaran mo." dagdag niya, napalitan ng inis ang kilig ko, hinampas ko siya sa braso.
"I'm just kidding, come on, choose something. How about a lipstick?" he asked.
"May lipstick pa naman ako, 'wag na, kapatid mo na lang bilhan mo." sabi ko.
"Ayoko nga, baka lalo pang maging spoiled brat 'yun eh." he said, parang namamalditahan sa kapatid niya.
"Sige, buy me a lipstick, ireregalo ko sa kapatid mo." ani ko.
"Huwag kasi. 'Yung para sa'yo naman. Bakit ka ba ganiyan?" tanong niya.
"Anong bakit ako ganito?" takang tanong ko pabalik, umiling-iling siya.
"Palagi mong inuuna ang iba kaysa sa sarili mo." pabulong na sabi niya, natahimik naman ako.
Hindi pa naman gano'n katagal na nagkakasama kami pero parang ang tagal ko na siyang kakilala, parang ang tagal niya na akong kilala. I don't know, parang may something talaga sa kaniya.
"This would look good on you." he said at inabot sa'kin ang pink na lipstick.
Kinuha at tinignan ko ito pero hindi ko pinahalata na gusto ko nga. Baka bilhin niya talaga, nakakahiya.
"Maganda naman pero ayoko." sabi ko at binalik ang lipstick sa lagayan, taka naman siyang bumaling sa'kin.
"Huh? Why? 'Di ba pink ang gusto mong kulay when it comes to lipstick? Hindi ba? Or iba na?" sunod-sunod na tanong niya habang nakakunot ang noo, kumunot rin ang noo ko.
"Stalker ba kita? Paano mo nalaman 'yon?" takang tanong ko sa kaniya at tinaasan siya ng kilay.
"I pay attention to you. Tuwing nakikita kita, palagi kang naka-pink lipstick at blush, 'yon ang make-up routine mo. Nung una nga, I thought it wasn't a lipstick, akala ko that's the normal shade of your lip." sabi niya, natahimik ulit ako.
BINABASA MO ANG
Dreams Rewritten
FantasyKaia has been grateful with her life. Kahit mahirap, masaya siya sa buhay na tinatamasa niya. Kinaya niya at ng pamilya niya ang mga trahedyang dumaan. Hindi siya humiling ng kung ano-ano but there's one time when she's in deep pain. For once, she w...