---
He was about to kiss me. Napapikit ako nang marahan at hinintay ang dampi ng labi niya sa labi ko.
Ilang segundo pa, sa noo ko naramdaman ang halik niya. It was so soft and gentle.
"Later." he just said then he smirked at me.
Hinatid niya ako pauwi. Sinabihan ko rin siya na sa bahay na muna tumuloy dahil pareho kaming basang-basa nang maligo kami sa ulan.
Sabi niya ay baka raw makita na naman siya ni papa at magalit ito. Ang inaalala ko lang ay uuwi siyang basa.
"Kahit magpalit ka lang ng damit rito. Hindi ka pwedeng umuwi nang gan'yan." saad ko.
Hindi na siya nakatanggi nang hilahin ko siya papasok sa bahay. Wala si papa, si mama naman ay nakatulog na yata habang si Lia ay nakatulog na rin sa kwarto ko.
"Wala atang damit ko ang kakasya sa'yo. Okay lang ba kay papa na lang gamitin mo?" tanong ko kay Noah.
"Okay lang naman sa'kin. Pero tingin ko ay hindi okay sa kaniya." he joked.
Tama siya, baka mapagbuntungan na naman siya nito ng galit kung suotin niya ang damit ni papa. Wala akong choice kundi maghanap ng damit ko na kakasya sa kaniya.
Hindi naman siya mataba pero medyo malaki ang katawan niya at matangkad siya. Kaya hindi ko alam kung may kakasya sa kaniya na damit ko.
Nakahanap ako ng oversized t-shirt, dali-dali ko itong dinampot. Sa pantalon ako nahirapan maghanap. Iniisip ko nga na pagsuotin na lang siya ng palda dahil wala talaga akong mahanap.
"Okay na ba sa'yo 'to?" tanong ko kay Noah nang silipin ko siya sa labas ng kwarto.
"Okay na 'to. Kahit t-shirt ko na lang ang palitan ko. Hindi naman gaanong basa ang pantalon ko." sabi niya, tumango naman ako.
"Sige, dito ka na sa kwarto ko magbihis. Tulog naman si Lia. Baka bigla pang dumating si papa at makita ka diyan, eh." saad ko at pinapasok siya sa kwarto, ako naman ang lumabas.
Wala pang isang minuto ang lumipas nang dumating si papa. Lasing na naman siya. Nang makita niya ako sa labas ng kwarto ko ay agad niya akong nilapitan.
"Anak, pasensya ka na kay papa." he apologized, tinignan ko lang siya nang diretso sa mata.
"Anak, gusto ko lang namang guminhawa ang buhay mo. At alam kong hindi mo makukuha 'yun sa lalaking iyon." saad niya pa.
Alam kong naririnig siya ni Noah dahil sobrang liit lang nitong bahay at sobrang lapit namin sa kwarto ko.
"Pa, labas na kayo sa mga desisyon ko. Hindi na ako bata, alam ko na ginagawa ko." I said in a calm way, hindi siya sumagot.
"Sige na po, magpahinga na kayo." simpleng saad ko, tinanguan niya lang ako.
Nang makapasok siya sa kwarto nila ni mama ay tumalikod na rin ako para pumasok sa kwarto ko.
Pareho kaming nagulat ni Noah sa isa't isa. Hindi pa pala siya tapos magbihis, he's wearing nothing on top!
As much as I want na lumabas ulit ng kwarto ay parang na-stuck ako sa kinatatayuan ko.
BINABASA MO ANG
Dreams Rewritten
FantasyKaia has been grateful with her life. Kahit mahirap, masaya siya sa buhay na tinatamasa niya. Kinaya niya at ng pamilya niya ang mga trahedyang dumaan. Hindi siya humiling ng kung ano-ano but there's one time when she's in deep pain. For once, she w...