Chapter 10

5 0 0
                                    

---

Kinabukasan, maaga akong nagising. Wala na sa tabi ko si Lia, lumabas ako ng kwarto pero si mama lang ang nakita ko.

Nang tanungin ko siya kung nasaan ang bata, sinabi niyang umuwi na raw ito sa kanila, sinundo siya ng mama niya.

Nag-alala naman ako kaagad dahil baka may mangyari na namang hindi maganda.

"Hayaan mo na, ayos lang si Lia roon. Kinausap ko ang tita Leah mo, hindi niya pababayaan ang anak niya." sabi ni mama nang mapansin ang pag-aalala ko.

Tumango na lang ako sa kaniya, mukhang wala na nga akong magagawa. Sana nga lang talaga ay walang mangyaring hindi maganda.

Naghanda na ako para pumasok sa trabaho kahit ang aga pa. Ilang araw na akong absent, nakakahiya na kay Van. Kahit pa kaibigan ko siya, nakaka-guilty pa rin na hindi niya binabawas sa sweldo ko ang pag-absent ko, lalo na kahapon.

Nagbihis ako at nag-apply ng pink lipstick sa labi ko. Sinuot ko ang salamin ko at nagpaalam kay mama bago tuluyang lumabas ng bahay.

Dumiretso ako sa kusina, naabutan ko si Van. Nag-sorry ako sa kaniya dahil sa pag-absent ko, sabi niya pa ay 'wag ko na raw itong alalahanin.

"Siya nga pala, may bago kayong makakasama rito." saad ni Van sa amin ni Jess.

"Huh? Sino? Bakit? 'Di pa ba kami sapat?" pag-iinarte ni Jess.

"Sira ka talaga. May nag-apply, eh. Kaya ang magiging setup natin, ikaw, Jess, sa kusina ka na lang, taga-bake." paliwanag ni Van.

"Taga-bake pa talaga?! Puro sunog sunog nga nababake ko, eh!" reklamo pa ni Jess.

"Okay na 'yan para matuto ka!" suwag sa kaniya ni Van, ngumuso lang ito.

"Ikaw, Kaia, sa cashier ka, kasama mo 'yung bago rito. Ikaw na bahalang magturo sa kaniya." she smirked, nagtaka naman ako pero hindi na ako nagtanong.

"Nasaan na ba siya?" tanong ko kay Van.

"Paparating na rin 'yon." sabi ulit ni Van, bumalik na kami sa pagtatrabaho.

Wala pang masyadong customer dahil maaga pa, kaya habang walang ginagawa ay nagtipa muna ako sa cellphone ko.

Wala pa ring chat si Noah, usually, ganitong oras ay may 'good morning' na siya.

Pero wala naman akong pakialam. Ano naman kung hindi siya mag-chat? It's not like it's his responsibility.

Napalingon ako sa pintuan nang may pumasok rito. At laking gulat ko nang makita si Noah, diretsong nakatingin sa'kin at nginitian ako, naglalakad papalapit sa'kin.

"Anong ginagawa mo rito?!" takang saad ko.

"Oh, andito na siya." saad ni Van.

"Siya ang makakasama mo rito, Kaia." nakangiting saad pa ni Van.

"Huh?! Bakit?!" takang tanong ko pa.

"Bakit? Bawal bang kumita?" he sarcastically asked, at tumabi na sa akin.

May dumating naman bigla na customer, at agad niya itong inasikaso nang siya ang lapitan nito.

Dreams RewrittenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon