Chapter 3

7 0 0
                                    

---

Minsan talaga, hindi ko na alam nangyayari sa buhay ko. Hindi ko maintindihan kung bakit nasa ganitong sitwasyon ako ngayon.

Niyaya niya akong kumain at hindi ko alam kung bakit ako pumayag! Hindi ko pa nga nabibili ang libro na gusto kong bilihin. Para akong tutang um-oo at sumunod sa kaniya dahil nadala ako sa tingin niya, parang ang lungkot ng mga mata niya, nakakainis.

Nagpunta kami sa Jollibee sa loob ng mall. Naninibago ako kasi ang tahimik niya, hindi ako sanay na ganito siya. Nahihiya naman akong magtanong dahil baka kung ano na naman ang isipin niya.

Siya ang nag-order ng pagkain namin, sinabi ko lang sa kaniya ang order ko, he insisted na siya na ang magbabayad.

Nakaupo lang ako habang nakatitig sa kaniya. Tulala siya habang nasa pila, parang ang lalim talaga ng iniisip niya. Pinagmasdan ko pa siya and I realized that his side profile was good rin pala. Matangkad siya, hindi matangos ang ilong niya pero hindi rin naman pango, sakto lang. Ang ganda ng ayos at porma niya. Masasabi mo talaga na may style siya.

Pagkabalik niya, dala niya na ang pagkain. Tahimik lang kaming kumakain, he won't even look at me. Ang awkward ng situation. Iniisip ko kung tatanungin ko ba siya kung anong bumabagabag sa kaniya o hahayaan ko na lang kasi ano namang pake ko 'di ba? Pero nabobother din kasi ako. Lalo na't magkasama kami ngayon, parang ang sama naman ng ugali ko kung hindi ko man lang tatanungin kung ayos lang siya.

"Noah.."

"Uhm, Kaia.."

Nagkasabay pa kami sa pagtawag sa isa't-isa. Pinauna ko na siya dahil baka gusto niya nang mag-open up.

"Galit ka ba?" marahang tanong niya sa'kin, kumunot naman ang noo ko.

"Huh?" tanong ko.

"Kasi hindi ako nakapagreply sa'yo kagabi, ikaw tuloy ang last chat?" sabi niya.

'Yun ba 'yun? Kaya ba kanina pa siya tahimik? Dahil lang do'n? Akala niya galit ako? Ang babaw! At bakit naman ako magagalit? Natawa tuloy ako.

"Bakit ka tumatawa?" tanong niya, siya naman ngayon ang nagtataka.

"Kaya ba kanina ka pa parang takot diyan? Kasi akala mo galit ako?" natatawang tanong ko, tumango siya.

"Ang OA mo naman mag-overthink. Bakit naman ako magagalit?" pang-aasar ko.

"Well, some of the girls I had talked to, ayaw nilang nalalast chat sila." he reasoned, nagtaas naman ang kilay ko.

So, he talks to other girls nga? Hindi lang ako ang pinagtitripan niya? Kapal talaga ng mukha ng mga lalaki. Balak niya pa ata akong gawing isa sa mga babae niya.

"So, you talk to other girls? Hindi lang ako ang pinagtitripan mo, gano'n? Gan'yan ka ba ka-bored?" naiiritang tanong ko, parang nagulat naman siya.

"Sabi ko 'I had talked to', hindi ko naman sinabing 'I'm talking to'. Huwag ka nang magselos." sabi niya, umiiral na naman ang kapal ng mukha niya.

"Hindi ako nagseselos! Nakakahiya lang kung madami ka palang kinakausap na babae habang magka-date tayo ngayon." pagdepensa ko.

"So, you consider this as a date?" pang-aasar niya.

Tangina talaga, that's not what I mean! At parang tuwang tuwa pa siya sa pang-aasar niya sa'kin.

Hindi ko na siya sinagot at sinamaan na lang siya ng tingin. Nagtuloy ako sa pagkain, bahala talaga siya diyan.

"Here." sabi niya at nilapag ang cellphone niya sa harap ko, taka naman akong tumingin sa kaniya.

"The password is 0822. Open mo, check the messages, messenger, instagram, and my other accounts on different social medias, check if there's another girl nga, I don't mind." sabi niya at nagpatuloy sa pagkain.

Dreams RewrittenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon