---
Nakauwi ako bago pa magdilim, nagpasalamat lang ulit ako sa kaniya sa chat.
Naabutan ko si mama na naglilinis, nagbihis agad ako ng pambahay para tulungan siya.
Ako na rin ang nagluto ng hapunan namin, nagpaturo ako sa kaniyang magluto noon para hindi naman puro prito lang ang alam ko.
"Parang ang sipag ng anak ko, ah." saad ni mama habang hinahanda ko ang hapunan.
"Lagi naman, ah." sagot ko naman sa kaniya.
"Eh, sino 'yung lalaking naghahatid raw sa'yo pauwi?" tanong niya naman, nanunukso.
"Si Lia ba nagsabi sa'yo niyan?" nakangusong tanong ko.
"Alam pala ni Lia? At hindi niya sinabi sa'kin?" gulat na tanong niya. "Naikwento lang ng kapitbahay, nakita raw nila na may lalaking naghatid sa'yo, balita ko gwapo raw ah." dagdag niya pa.
"Sabi pa nga ng isa, baka raw maaga kang mabuntis, muntik ko na ngang hambalusin, eh. Buti nakapagpigil pa 'ko." kwento ulit ni mama.
Mga chismosang kapitbahay. Bakit ba sila nangengealam? Mabuti na lang, mabait si mama at alam kong 'di niya 'ko pag-iisipan ng masama.
"Pero nakipag-away na naman kayo?" tanong ko kay mama, hindi naman siya sumagot.
Mabait naman si mama. Pero nagiging basagulera talaga siya minsan kapag kaming mga anak niya ang inaapi.
Naalala ko dati, elementary ako no'n. Nakipagsabunutan siya sa nanay ng kaklase ni ate Keira. Binully kasi si ate Keira, tinusok niya naman ng lapis 'yung kaklase niya. Eh, ang kaso, pinagsalitaan rin si ate Keira nung nanay, sinabihan siyang lalaki siyang mamamatay. Ang OA, eh. Ayon, sinabunutan ni mama sa harap ng principal ng school.
"Pero, anak, kung may boyfriend ka na nga, sana ikwento mo pa rin kay mama, ha?" marahang saad ni mama.
Nung bata ako, si mama ang pinagkkwentuhan ko palagi, kapag may bago akong crush, bagong kaibigan, o bagong kaaway. Pero nung tumanda ako, nahiya na 'ko ipaalam sa kaniya ang mga ganoong bagay. I had past flings and exes, pero 'di legal. At hindi kilala ng kahit na sino sa pamilya ko, kahit si mama.
Wala pa akong nabanggit na lalaki sa kaniya. Siguro 'yung bata lang na nakilala ko sa ospital noon? After that, wala na. Kahit si Noah, hindi niya kilala.
Pagkatapos kong kumain, naghugas na akong plato. Naglinis, at pumunta na sa kwarto. Kanina pa nagcha-chat si Noah, pero ngayon ko lang nabuksan ang cellphone ko.
Noah:
hi, kaia, nakauwi na po ako 😁Noah:
anyways, thank u for spending time with me again, sana maulit:))I smiled after reading that.
Noah:
i think u r busy on something, if u r feeling tired, rest ka naHis last chat was already 15 minutes ago. At nakalagay sa profile niya, he's active 14 minutes ago. 'Di na siya online, but I still replied.
Kaia:
'Di ako inaantok.I simply responded. Nagulat ako kasi pagka-send ko ng chat ko, nag-open kaagad siya at na-seen niya, at wala pang 3 seconds, naka-reply na siya.
Noah:
heloooNoah:
how abt u talk to me until u fall asleep:DNapangiti na naman ako. Ayoko na, delikado na 'to.
I was typing a reply when he called. At sinagot ko naman. Magkasama lang kami kanina tapos ngayon magkausap pa rin? Anong nangyayari sa'kin?
BINABASA MO ANG
Dreams Rewritten
FantasyKaia has been grateful with her life. Kahit mahirap, masaya siya sa buhay na tinatamasa niya. Kinaya niya at ng pamilya niya ang mga trahedyang dumaan. Hindi siya humiling ng kung ano-ano but there's one time when she's in deep pain. For once, she w...