---
Nagpaalam ako kay Van kung pwede kong isama si Lia, pumayag naman siya kaagad. Kilala nila ni Jess si Lia, parang kapatid na rin ang turing nila rito.
Nang makarating sa bakeshop, dumiretso ako sa kusina para magtrabaho. Mabuti na lang at nandito si Noah, may magbabantay kay Lia. Iniwan ko sila sa table at hindi naman umangal si Lia. Nakikipaglaro rin kasi sa kaniya si Noah.
"Alam mo ba, may naghahanap sa'yo kahapon." bungad sa akin ni Jess, nandito na kami sa cashier.
"Sino? Ikaw?" sarkastikong tanong ko.
"Gaga, hindi! Seryoso, may naghanap talaga sa'yo." sabi niya na ipinagtaka ko.
"Sino namang maghahanap sa'kin bukod sa inyo ni Van?" tanong ko habang nakakunot ang noo.
"Kaia?" napalingon ako sa tumawag sa'kin, it was Aiden.
Napangiti siya pagkalingon ko sa kaniya, ngumiti na lang ako pabalik.
"Kumusta? Hinanap kita rito kahapon, Van said you were sick. Are you okay now?" tanong niya.
Siya pala ang tinutukoy ni Jess. Napalingon ako kay Jess at nakitang busy na ito sa pag-aasikaso sa orders.
"Ah, oo. Nagkasakit ako at okay na 'ko. Bakit mo ako hinahanap?" curious na tanong ko.
"Nabitin kasi ako sa kwentuhan natin last time." sabi niya, mukhang nahihiya.
"And?" I asked, still curious.
"I'm just wondering.. can I take you out on a—" biglang sumabat si Noah na hindi namin namalayang andito na.
"Hey, nabobored raw si Lia. Gusto niyang mamasyal. Is that alright?" sabi ni Noah, bumaling pa kay Lia.
"Ipasyal mo, basta kapag may nangyaring masama diyan, humanda ka talaga sa'kin." pagbabanta ko sa kaniya. Bumaling ulit ako kay Aiden.
"You were saying?" tanong ko sa kaniya.
"I was asking, can I take—" pinutol ulit siya ni Noah.
"Sumama ka na. I talked to your friend, ipinaalam na kita. Minsan lang naman 'to, kaya sige na, let's go." saad ni Noah.
Nagdalawang-isip pa ako pero sa huli ay pinuntahan ko rin si Van, nagpaalam muna ako kay Aiden, he just asked for my number and facebook account, doon niya na lang raw ako kakausapin, binigay ko naman ito.
"Teka, I forgot to ask, siya ba 'yung kinwento ni Jess?" pupuntahan ko na sana sila Noah nang magtanong si Van, nagpaalam nga sa kaniya ito kaya nakilala niya.
"Yes." nakangiting saad ko. Hindi ko rin alam bakit ako napangiti.
"You sound and seem in love, Kaia." nakangiti ring sabi niya na ikinagulat ko.
"No, I'm not." depensa ko sa aking sarili.
"Honestly, I'm afraid na masaktan ka na naman because of a guy. Pero this time, I trust you. Sundin mo sana ang puso mo. Sana hindi ka matakot magmahal at magkamali, because after all, despite of the pain, being in love is the mistake that will put you in the right place." she said.
BINABASA MO ANG
Dreams Rewritten
FantasyKaia has been grateful with her life. Kahit mahirap, masaya siya sa buhay na tinatamasa niya. Kinaya niya at ng pamilya niya ang mga trahedyang dumaan. Hindi siya humiling ng kung ano-ano but there's one time when she's in deep pain. For once, she w...