---
Hindi pa rin ako makapaniwala. Si Noah ang batang lalaki na matagal kong hinanap. Siya ang batang lalaki sa ospital noon na namatayan ng lola. Siya ang una kong crush, at ang una kong ginusto na maging kaibigan.
"Alam mo ba ang tagal talaga kitang hinanap." sabi niya sa'kin nang nakangiti.
He's also a bit surprised and excited habang kinukwento niya na siya ang batang iyon.
"It was just one day. But ikaw ang tinuring ko na bestfriend ko noon. I don't know why. You're also my first crush. I couldn't forget you ever since I was a kid. Alam mo ba? Bumalik pa nga ako sa ospital noon. Baka sakaling makita kita ulit." pagkukwento niya.
Umalis kami kaagad sa ospital nung araw na 'yon dahil hindi ako pwedeng magtagal lalo na't hindi namin kayang bayaran ito ng malaki, gumaling na rin naman ako kaagad noon.
"Pinaglalaruan ata tayo ng tadhana." I said, jokingly.
"Or maybe, tayo talaga ang itinadhana." banat niya at tumingin sa'kin nang nakangiti, natulala naman ako.
"Kaia!" nabaling ang atensyon namin sa boses ni mama sa labas.
"Magtago ka, dali!" tarantang sabi ko kay Noah.
"Why would I?" takang tumingin siya sa'kin.
"Basta, dali, ngayon na!" sabi ko ulit, he sighed.
"No, ako na magpapaliwanag sa mama mo." sabi niya.
Hindi ko na siya napigilan nang tumayo sa palabas ng kwarto. Ngunit hindi pa siya nakakalabas ay nakasalubong niya na si mama sa pinto.
"Susmaryosep! Bakit may lalaki dito?!" gulat na tanong ni mama at lumingon sa'kin, I awkwardly smiled at her.
"Hello po, tita. I'll explain everything po. Ako po si Noah." sabi ni Noah.
Nginitian niya si mama at inabot ang kamay rito para magmano, tinanggap ito ni mama.
"Si Kaia po, tita, nilalagnat po kasi siya." panimula ni mama.
Lumapit naman sa'kin si mama at kinumpira kung mainit nga ako.
"Mainit-init ka nga anak, anong nararamdaman mo?" tanong sa'kin ni mama, si Noah naman ang sumagot.
"Mas mainit pa po siya dyan kanina, tita. Napainom ko na po siya ng gamot. Sorry po pala for coming here without your permission. I was talking to Kaia through the phone po kanina and she said po that she's—" mama cut him off.
"Iho, mag-tagalog ka na lang. Baka ako ang lagnatin sa pag-eenglish mo." patawang sabi ni mama, naintindihan naman siya kaagad ni Noah.
"I mean, ang sabi ko po, magkausap po kasi kami ni Kaia kanina dahil tumawag po siya. Sabi niya po hindi raw po maganda ang pakiramdam niya tapos nabanggit niya rin po na siya lang mag-isa rito sa bahay ninyo. Nag-alala po ako kasi wala pong mag-aalaga sa kaniya kaya pumunta na po ako. Dinalhan ko po siya ng cup noodles dahil iyon raw po ang gusto niyang kainin. Binilhan ko rin po siya ng gamot at pinainom ko po siya pagkatapos niya pong makakain." mahabang paliwanag ni Noah kay mama.
"Nako, iho. Dapat pala kitang pasalamatan. Salamat, ha." sabi ni mama kay Noah at nginitian ito, ngumiti si Noah pabalik.
"Wala po 'yun. Gusto ko rin naman po talagang alagaan si Kaia." sagot ni Noah.
Binalingan ako ni mama. "Sorry, anak. Ngayon pa kita iniwan, ngayon mo pala ako kailangan." saad niya.
"Ayos lang po, medyo magaan na rin naman po ang pakiramdam ko." sagot ko sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Dreams Rewritten
FantasyKaia has been grateful with her life. Kahit mahirap, masaya siya sa buhay na tinatamasa niya. Kinaya niya at ng pamilya niya ang mga trahedyang dumaan. Hindi siya humiling ng kung ano-ano but there's one time when she's in deep pain. For once, she w...