---
"Graduate na tayo!" masayang bati namin sa isa't isa.
We just graduated from Senior High. Ayoko sanang matuwa dahil hindi naman nakakatuwa na magcocollege na kami. Pero at least, finally, nakatapos na naman ako ng isang taon ng pag-aaral. Onti na lang and I'll get there. I'm so close reaching my dreams. Hindi na 'ko makapaghintay.
"Isha!" sigaw ko nang makita ko ang best friend ko, I immediately run into her and hugged her. I miss her so much. She was my best friend since elementary, lumipat siya ng bansa kaya sa chat na lang kami nagkakausap so I'm very glad to see her.
"Congrats! I'm so proud of you. Like, as in, sobra. I told you, you can do it." she's still the sweetest. I don't know what to do without her.
Kay Isha ako palagi nagdadrama. Kahit sa chat lang, she's always there for me. Bihira akong magopen-up kay Van at Jess. Pero kay Isha, lahat ng ganap sa buhay ko, alam niya, kahit nasa malayo na siya.
"Akala ko hindi ka darating." I told her, sobrang saya ko talaga na andito siya.
"Ano ba, s'yempre hindi ko palalagpasin 'to." sabi niya. Niyaya ko siya sa'min sa bahay dahil may simpleng handaan. Hindi makakapunta si Van at Jess dahil may kaniya-kaniya silang celebration with their fam. Kaya si Isha ang hinila ko.
Pagkarating sa bahay, niluto ni mama ang favorite kong spaghetti. Everyone congratulated me, may pa-tarpaulin pa nga.
We just eat. Habang nagchichikahan kami ni Isha. Ang dami niyang kuwento, all ears naman ako.
"Tapos 'te, ang yabang niya talaga! Ang hangin! Akala mo naman kung sino, eh height lang naman nilamang niya sa'kin!" kuwento niya, tinawanan ko lang siya.
"Basta, nairita talaga ako, nakakagigil mukha no'n, sarap tiklupin!" the feeling was familiar. I remember the guy na nakausap ko noon sa chapel ng ospital. Na sa akin pa 'yung handkerchief niya, hindi ko na kasi siya nakita ulit after that incident.
"I think I've seen this film before.." biglaang kanta ni Isha nang mapansin ang pagkatulala ko. Naikwento ko nga rin pala sa kaniya 'yon sa sobrang pagkairita ko sa lalaking 'yon. Pero that's the first and last time I talked about him, hindi ko na nga matandaan ang mukha no'n.
"Sira ka talaga. Kumain ka na nga lang diyan." sabi ko sa kaniya. "Alam mo, ang mga ganiyang lalaki, 'di na dapat pinagtutuunan ng pansin." sabi ko sa kaniya.
"Pero hindi na ba talaga nagparamdam sa'yo 'yung si Mr. Handkerchief?" pag-iba niya ng topic.
"Aba, malay ko ro'n. Siraulo 'yon, pinalabhan sa'kin panyo niya, hindi naman na pala niya babalikan!" iritang saad ko, umiinit talaga ulo ko kapag naaalala ko ang isang 'yon.
"Malay mo naman.." she smirked at me, nang-aasar.
"Tigil-tigilan mo 'ko, Isha. Asarin mo na 'ko sa lahat, 'wag lang sa lalaking 'yon!" sabi ko.
"Bakit ba, sweet naman siya, ah. Cinomfort ka pa nga, right? Tapos na sa'yo pa rin 'yung handkerchief niya. Kung talagang ayaw mo nang maalala 'yung lalaking 'yon, bakit dala-dala mo 'yung panyo niya kahit sa'n ka magpunta?" mahabang tanong niya.
"Dinadala ko 'yung panyo para kapag nakasalubong ko siya or nakita, maibalik ko na sa kaniya!" pagdadahilan ko. Totoo naman, anong gagawin ko pala rito? Itatapon? Susunugin? Hindi naman ako gano'n kasama.
"So, umaasa ka pa rin talaga na makikita mo siya?" she smirked again, I ended the conversation nang minura ko siya, tinawanan niya lang ako.
Hindi nagtagal at umalis na si Isha, may gagawin pa raw kasi siya. Niyakap niya ako at nagpaalam na sa'kin.
BINABASA MO ANG
Dreams Rewritten
FantasyKaia has been grateful with her life. Kahit mahirap, masaya siya sa buhay na tinatamasa niya. Kinaya niya at ng pamilya niya ang mga trahedyang dumaan. Hindi siya humiling ng kung ano-ano but there's one time when she's in deep pain. For once, she w...